Rowell Santiago binilinan ng ina na ‘wag magtago ng pagkain sa ilalim ng kama at ‘wag mag-asawa ng baliw!

PIK: Malaki ang pasasalamat ng Gabay Guro Foundation ng PLDT sa all-out support ng mga kilalang celebrities sa malaking event nila na dedicated sa mga guro bukas sa SM-MOA Arena.

Inaasahang dadagsa ang mga guro sa naturang event na kung saan isa sa kanila ay magwawagi ng house and lot mula sa Camella Homes at sasakyan mula sa Autoitalia.

Sina Regine Velasquez, Derek Ramsay, at Ry­­­zza Mae Dizon ang ilan sa mga magpapasaya sa mga guro na mga hindi nagpabayad ng talent fee.

PAK: Kuwela ang kuwento ng isang malapit na kaibigan tungkol sa iniwang sulat ni Mrs. Cielito Legaspi-Santiago bago ito sumakabilang buhay.

Iniwan daw pala ito sa isang pinsan nila at binasa raw nila ito nung huling araw ng Pasiyam, dahil inilagak na ang mga abo nito sa St. Peter Chapel and Columbary kahapon.

Sa halip daw na maiyak sila sa mga inihabilin ng kanilang ina, tawa raw sila nang tawa sa mga binilin ni Mommy Chiling.

Ang bilin daw nito kay Rowell Santiago, huwag daw magtago ng mga pagkain sa ilalim ng kama at baka ipisin. Puwede na raw ito mag-asawa, pero sana huwag daw mag-asawa sa babaeng “Baliw! Baliw! Baliw!”

Si Claudine Barretto kaya ang tinutukoy niya?

Kay Randy naman daw ay huwag nang maging babaero at dugo na raw ang iniluha ng asawa niya.

Kay Junjun daw ay dapat na magpapayat na raw.

Sa babaeng anak niyang si Rhea ay huwag daw tsapterin ang recipe ng sardinas niya.

Kay Raymart daw ay sana magkaayos na raw sila ni Claudine alang-alang sa kanilang anak pero bilang friends lang daw.           

Saka may bilin pa raw ito sa mga taong galit sa kanya at sa mga nakaalitan niya, huwag daw mag-alala dahil dadalawin daw niya.

BOOM: As of presstime, wala pa palang nakuhang kuwarto sa St. Peter Chapel, Quezon Avenue para pagburulan ni Tia Pusit.

Punung-puno raw ang naturang memorial chapel kaya nagpasabi ang anak nitong si Christian Uybengkee na ngayong araw na lamang daw sila magbubukas ng viewing para sa kanilang ina.

Hindi pa nila napagdesisyunan kung kailan ang libing, dahil pag-uusapan pa raw ng pamilya.

Nakikiramay po kami sa pamilyang naiwan ni Tia Pusit.

                                             

Show comments