^

PSN Showbiz

Aktres na naubos ang mga naipon at walang-wala na tinatakbuhan pati bayad sa taxi

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maayos na ang takbo ng buhay ngayon ng isang lala­king nagkaroon lang ng partisipasyon sa showbiz dahil sa pagkakaugnay ng kanyang pangalan sa isang female personality na sinuwerteng sumikat pero mabilis ding bumagsak dahil sa pagpapabaya nito.

Ilang kababayan natin ang nagkukuwento na maayos ang kanyang hanapbuhay sa isang kilalang bansa sa Asia, maganda ang takbo ng kanyang personal na buhay, may bago nang karelasyon ang non-showbiz guy na Pinay rin.

Kuwento ng aming source, “Martyr ang lalaking ‘yun! Kundi ba naman, kinaya niyang tiisin ang mga ginagawang kabalahuraan ng asawa niya! Kung sa ibang lalaki lang ‘yun, siguradong ibang klaseng indulto ang inabot ng babaeng ‘yun!

 “Mabuti naman at nakawala na siya sa sumpa. Walang mangyayari sa kanya kung hanggang ngayon, e, sila pa rin ni ____(pangalan ng may kabastusang babaeng personalidad). Nakabuti ang pag-alis niya sa poder ng babaeng ‘yun!”

Kung maayos na ang takbo ng buhay at propesyon ng lalaki ay kabaligtaran ‘yun ng mga nangyayari ngayon sa buhay ng female personality na matagal niyang nakarelasyon at minahal.

Bagsak ang career nito, kung anu-anong bisyo ang pinagkakaabalahan, natunaw nang lahat ang mga naipundar ng babae nu’ng kasagsagan ng kanyang popularidad.

Kuwento pa ng isang impormante, “Bukod sa maangas na, e, hindi kasi nagpakatotoo ang babaeng ‘yun. Marami siyang imbentong kuwento para lang wasakin ang mga taong kumokontra sa mga pinaggagagawa niyang palso.

 “Hindi siya marunong lumaban nang parehas, kung anu-anong gawa-gawang kuwento ang pinagsasasabi niya. Ayun, pati tuloy ang mga anak niya, nawalan na ng amor sa kanya.

 “Sa kawalan na niya ng datung, pati taxi, tinatakbuhan na niya. Ganu’n talaga ang kauuwiang buhay ng mga taong mayabang at walang utang na loob!”

Madiing kwento ng aming source.

Ubos!

Nanay nila Raymart nagbantang magpaparamdam sa mga nang-away sa kanila

Nakahimlay na ngayon sa St. Peter Parish Columbary ang mga labi ni Mommy Cielito Legaspi Santiago. Magkasama na sila ngayon ng kanyang yumaong kabiyak na si Direk Pablo Santiago.

Ulilang-lubos na ang magkakapatid na Randy, Rowell, Rhea, Junjun, Chi-Chi at Raymart, pero sa pagpanaw ng kanilang ina ay iniwan ni Mommy Chiling sa magkakapatid ang isang uri ng pagmamahal na bibihirang magulang lamang ang nakapagbibigay sa kanilang mga anak.

Sa pinakahuling sulat ni Mommy Chiling sa mag-uutol nandu’n ang kanyang kagustuhang magkaayos na sina Raymart at Claudine Barretto kahit para man lang kina Sabina at Santino.

Pero meron siyang kundisyon—bilang magkaibigan na lang. Dapat daw ay hindi na uli maging baliw, baliw, baliw ang kanyang bunsong si Raymart.

Pinasalamatan niya naman si Rowell sa matiyagang pag-aalaga sa kanya, puwede na raw mag-asawa ngayon si Direk Rowell, pero tigilan na sana nito ang pagkukuripot at pagtatago ng pagkain sa ilalim ng kama dahil baka ipisin ‘yun.

Tigilan na rin daw sana ni Randy ang pambababae dahil dugo na ang iniluha dahil du’n ng kanyang misis na si Marilou. Ipinamana niya ang makasaysayan niyang paggawa ng home-made sardinas kay Rhea, pero ang mahigpit niyang bilin ay huwag nitong “chachapterin” ang mga sangkap, tunay namang napakasarap ng gawang sardinas ni Mommy Chiling.

At may karugtong pa ‘yun, nagpapasalamat si Mommy Chiling sa lahat ng mga nagmahal sa kanya at sa kanilang pamilya, pero ang tanging masasabi niya sa mga taong nang-away sa kanya at sa kanilang pamilya, “’%$&”:?1/!* lahat! Abangan n’yo ang pagpaparamdam ko!”

Ha! Ha! Ha! Ha! Lagot!

CIELITO LEGASPI SANTIAGO

CLAUDINE BARRETTO

KANYANG

MOMMY CHILING

NIYA

RAYMART

YUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with