MANILA, Philippines - Tinupad ni Kris Aquino ang wish ng dalawang anak niya na magkaroon sila ng garden at malaki-laking space.
Kahapon, ibinalita ni Kris sa kanyang Instagram account na nakabili na siya ng lupa kaya puwede na rin silang magkaroon ng swimming pool. “My sons & I were so fortunate because I purchased during the preselling stage & although we waited 24 months for turnover, we were able to get corner lots on a nice slope next to the cul de sac which will be left with open green fields.
“Where we live now we don’t have a garden & my 2 have really been wishing for more space… So now I can fulfill my promise to them that we’ll have a swimming pool & big outdoor area to play in,” sabi ng presidential sister.
Kaya naman pala ganun na lang ang pagta-trabaho ni Kris Aquino dahil siguradong sobrang mahal ang nasabing lupa plus siyempre bahay pa.
Aktres hindi nagbabayad ng utang sa salon
Halos taon na ang binilang pero hindi pa rin daw nagbabayad ang actress sa isang salon kung saan siya nagpapa-straight ng hair at nagpapa-make up.
Emote ng isang staff ng salon, nangawit na sila sa kakahintay kung kailan magbabayad ang actress pero lumipas na ang maraming buwan pero nganga pa rin sila as in wala silang napala sa paghihintay.
Malaki-laki rin daw halaga ang nasabing utang ni actress kaya hoping sila na sanay ay tumupad naman sa pangako ang actress.
Lulubog-lilitaw ang career ng actress na ang kapal naman ng face na hindi marunong magbayad.
Enrique first time kay Liza
Magtatambal sa kauna-unahang pagkakataon ang Prince Charming ng kanyang henerasyon na si Enrique Gil at ang sinasabing leading lady to watch for na si Liza Soberano sa primetime romantic drama series ng ABS-CBN na Forevermore, na idederek ng box-office hit director na si Cathy Garcia-Molina.
Ang Forevermore ay isang kwento ng unang pag-ibig ng dalawang taong magkaibang-magkaiba ang mga buhay. Gaganap si Enrique bilang si Alexander “Xander” Grande III, ang rebelde at iresponsableng unico hijo ng isang hotel magnate na nagbago ang buhay nang makilala at ma-in love sa karakter ni Liza na si Marie “Agnes” Calay, ang palaban at masipag na Strawberry Jam Queen ng La Trinidad, Benguet.
Magsisimula ang ugnayan nina Xander at Agnes nang minsang aksidenteng maglanding ang parachute ni Xander sa isang strawberry truck. Upang maturuan ng leksyon, hinayaan si Xander ng kanyang mga magulang na bayaran ang kanyang nasira sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa isang strawberry farm kung saan tutulungan siya ni Agnes at ng iba pang magsasaka.
Ang Forevermore ay sa ilalim ng produksyon ng Star Creatives, na nasa likod din ng Princess and I at Got to Believe.
Bago si Liza, ipinareha si Enrique kina Kathryn Bernardo and Julia Barretto.
South Luzon bets nagpasiklab sa Peñafrancia Festival
Pinatunayan ng South Luzon na magiging mahigpit ang laban pagdating ng launch ng Bet ng Bayan sa GMA 7 nang magpasiklaban ang bets nito sa kauna-unahang regional finals ng programa noong September 21 kasabay ang pagdiriwang ng Peñafrancia Festival ng Naga City.
Waging performances ang naghari sa Plaza Quezon hatid ng finalists mula sa Batangas at Bicol para sa Bet sa Kantahan, Bet sa Sayawan, at Bet na Kakaibang Talento.
Saksi sa makapanindig-balahibong event ang mismong Bet ng Bayan hosts na sina Asia ’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid at Alden Richards. Siyempre, pareho nilang hindi pinalampas ang pagkakataon para pasayahin ang audience sa kanilang bonggang special numbers.
“It’s pretty exciting because we’re going nationwide in search of the next superstar; and in the first regional finals held in Naga, I’m confident that the competition will be stiff. Of course, I think it helped that everyone’s in a festive mood because of the Peñafrancia festival,” sabi ni Regine.
Sang-ayon naman dito ang bida ng Ilustrado na nagsabing, “We were truly amazed with the first round of regional finals for Bet ng Bayan held during the feast of Our Lady of Peñafrancia.”
Ang GMA TV Bicol naman ay inihatid ang An Pag-Debosyon kan Masa, isang special live coverage ng Peñafrancia fluvial procession, noong September 20.
Samantala, abangan din ang Bet ng Bayan regional finals ngayong buwan ng October na magaganap sa Cagayan de Oro (October 11), Bacolod (October 18), Dumaguete (October 21), at Vigan (October 28).