MANILA, Philippines – Kung si Mommy Dionisia lamang ang magdedesisyon nais pa niyang mabuntis at manganak, ngunit hindi pabor ang kanyang nobyo sa ideya.
"Gusto tarang i-inject sa kanyang semilya sa aking kuwan. I-inject na lang. Ayaw niya," sabi ni Mommy Dionisia sa ulat ng entertainment website na Philippine Entrtainment Portal.
“’Pag magkaanak ka sa edad mo, baka mamatay ka. Wala na akong asawa. Natatakot akong… ayoko,’ takot siya."
Iginiit ng kanyang mas batang dyowa na maaari pa rin naman silang maging masaya kahit walang anak.
Inamin nilang dalawa na sa iisang bahay na lamang sila nakatira, ngunit sinabing wala pa silang balak magpakasal.
Walong buwan pa lamang ang relasyon ng dalawa pero sinabi ni Mommy D na nais niyang makasama habambuhay ang kanyang 40-anyos na boyfriend.