MANILA, Philippines - Ipagdiriwang ng mga Pilipino ang buwan ng mga puso ngayong Oktubre dahil simula sa Lunes (Oktubre 6), magbibigay ng inspirasyon ang pinakabagong month-long offering ng GMA Network na Seasons of Love sa bawat isa sa atin na mayroong tamang lugar at panahon ang pag-ibig.
Maghahatid ang GMA Network ng isang weekly anthology sa weeknight primetime na gagawing mas exciting ang pakiramdam ng umiibig at magpapakilig sa mga manonood.
Tiyak na kagigiliwan ang Seasons of Love ng mga Pilipino, sila man ay masayang umiibig o hopeless romantics dahil ipapakita rito ang mga iba’t ibang mukha ng pagmamahal. Ipapalabas dito ang apat na espesyal at nakaka-antig na kuwento ng pag-ibig na ginawang mas nakakakilig dahil kinunan ang bawat eksena sa mga breathtaking landscapes at charming towns sa bansa.
Sisimulan ng episode na Soulmate, Soulhate ang buwan na puno ng romansa sa pagtatambal ng Kapuso talented teen stars na sina Ruru Madrid at Gabrielle Garcia na napapanood din sa primetime series na My Destiny.
Sa kuwentong ito, gagampanan ni Ruru ang papel ng maangas na lalaking si Rusty na liligawan ang konserbatibong babaeng si Gracia (Gabrielle) dahil lamang sa isang pustahan.
Sa ilalim ng direksyon ni Gina Alajar, siguradong maaantig ang mga Kapuso viewers sa kuwentong ito dahil itinatampok dito ang kwelang pagpapalit ng katauhan nina Rusty at Gracia. Dahil dito, kailangan nilang magpanggap bilang magkasintahan na mapupunta rin sa totohanan.
Ang Seasons of Love ay pinangungunahan nina Senior Vice President for Entertainment TV Lilybeth G. Rasonable; Vice President for Drama Redgie A. Magno; Assistant Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy; Program Manager Redgynn S. Alba; at Executive Producer Mona Mayuga.
Cine Totoo tagumpay!
Naging matagumpay ang pagpapalabas ng labing-isang de-kalidad na mga dokumentaryo mula sa Pilipinas kasama ang pito pang mula sa ibang bansa sa Southeast Asia sa mga piling sinehan sa Trinoma, SM Manila, at SM Megamall kamakailan sa kauna-unahang Cine Totoo Philippine International Documentary Film Festival ng GMA News TV.
Kabilang sa 11 dokumentaryong itinampok sa Philippine section ng Cine Totoo ang Agbalbalitok ni Ferdinand Balanag, A Journey to Haifa ni Nawruz Paguidopon, Ang Gitaristang Hindi Marunong Magsakla ni Sigfreid Barros-Sanchez, Ang Walang Kapagurang Paglalakbay ng Pulang Maleta ni Richard Legaspi, Gusto nang Umuwi ni Joy ni Jan Tristan Pandy, Kung Giunsa Pagbuhat ang Binsayang Chopsuey ni Charliebebs Gohetia, Komikero Chronicles ni Keith Sicat, Mananayaw ni Rafael Froilan, Marciano ni Ivy Rose Universe Baldoza, Migkahi e si Amey te, Uli ki pad ni Nef Luczon, at Walang Rape sa Bontok ni Carla Samantha Ocampo.
Itinampok sa Southeast Asian Section ang dokumentaryong To Singapore with Love ni Tan Pin Pin ng Singapore na naging bahagi ng Berlin Film Festival’s Forum Section at nagwagi ng Best Director sa Muhr Asia Africa Documentary section ng 10th Dubai International Film Festival.
Nakasama rin sa kompetisyon ang dokumentaryo ni Misha Anissimov na Once in a Lifetime: A Russian Song for Guiuan, na tungkol sa kuwento ng sa isang kilalang Russian folk singer na si Nikolai Massenkoff na naging refugee noong bata pa siya sa Tubabao, Guiuan, Samar. Napanood dito ang pagbabalik ni Massenkoff sa Tubabao para tumulong at bumuo ng isang concert para sa mga sinalanta ng super typhoon Yolanda.
Ang iba pang mga dokumentaryong nakasama sa Southeast Asian section ay ang By The River at Boundary na parehong gawa ni Nontawat Numbenchapol (Thailand), Denok and Gareng ni Dwi Sujanti Nugraheni (Indonesia), War is a Tender Thing ni Adjani Arumpac (Philippines), at The Songs of Rice ni Uruphong Raksasad (Thailand).
Nakabilang naman sa festival jury ang award-winning indie film director na si Adolf Alix, Jr., screenwriter at director Dr. Clodualdo del Mundo, ang dokumentaristang si Ditsi Carolino, at si GMA First Vice President for Public Affairs at News TV Channel Head Nessa Valdellon.
Ang Cine Totoo Philippine International Documentary Film Festival ay nagsimula noong Setyembre 24 at natapos Setyembre 30.