^

PSN Showbiz

Male personality na may career pinababayaan ang anak!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Nang aminin ni Piolo Pascual ang kanyang pagkakaroon ng anak (Iñigo) sa isang non-showbiz girl na nagngangalang Donna Lazaro, hindi ito naging kabawasan sa pagkatao ng Star Magic most popular actor at lalo siyang pumaimbulog sa kanyang kasikatan dahil sa kanyang pagiging honest sa publiko at hindi niya pagtalikod sa kanyang responsibilidad sa kanyang anak bilang isang ama.             

Naka-base man sa Amerika ang ina at anak ni Piolo na si Inigo ay hindi ito naging hadlang para ipadama at ipakita ng singer-actor ang kanyang pagiging ama sa kanyang anak na nasubaybayan naman ng publiko.  Whenever there is a chance ay dinadalaw ni Piolo ang kanyang anak sa Amerika kung saan din may sariling bahay si Piolo. 

The modern techno­logy also allows it na maging constant ang kanyang communi­cation sa kanyang son.  Kapag school break ay nasa Pilipinas si Iñigo na pinasok na rin ang mundo na ginagalawan ng kanyang ama.  At bilang isang proud dad, suportado ni Piolo ang interes ng kanyang anak.

Sa kabila na hindi nagkatuluyan sina Piolo at Donna bilang couple, naroon ang res­peto nila sa isa’t isa which cannot be said sa ibang unwed fathers na pinabayaan lamang ang mga ina ng kanilang mga anak na arugain, palakihin at suportahan ang kanilang mga anak.

Ang ipinakitang pag-acknowledge at pagsuporta ng Brazilian-Japanese model-actor na si Fabio Ide sa kanyang five-month-old daughter sa actress-daughter ni Melissa Mendez na si Denise Oca ay kahanga-hanga rin dahil hindi nito tinalikuran ang kanyang obligasyon bilang ama sa kanyang anak kahit wala silang relasyon ng ina ng bata.

Bakit kaya Salve A. hindi ito magawa ng ibang celebrity bachelor dads sa kanilang mga anak?  We know of one popular male personality na pinaba­yaan lamang ang kanyang look-alike son sa panga­ngalaga lamang ng kanyang ina. Mabuti na lamang at may kaya ang ina ng bata bukod pa sa may stable job ito to support her son.

Nine years na ang anak ni Derek Ramsay sa ex-wife nitong si Mary Christine Jolly nang malaman niya na siya ang ama ng 11-year-old na si Austin na siyang sentro ngayon ng legal tussle ng dating mag-asawa. Pero pursigido si Derek na ipaglaban ang kanyang karapatan bilang ama ng bata na malayo ang loob sa kanya ngayon.

Kahit hindi financially stable ngayon  at hiwalay na sa ina ng kanyang tatlong anak na sina Julia, Clau­dia, at Leon na si Marjorie Barretto, ipinag­la­laban pa rin ng actor na si Dennis Padilla ang kanyang pagiging ama ng mga bata.

 

AMA

AMERIKA

ANAK

DENISE OCA

KANYANG

PIOLO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with