Angel planong magkaroon ng organic farm, nag-aaral na ng agriculture Luis sa beach house sa Batangas gustong mag-retire

MANILA, Philippines -  Nag-aaral pala ng Agriculture ngayon si Angel Locsin ayon sa boyfriend niyang si Luis Manzano. Plano raw nitong magkaroon ng organic farm. “Sabi ko, diyan tayo mag-aaway. Kasi ako I want to retire sa small beach house at maging dive master. Ikaw, gusto mo bundok. ‘Yun ang isa sa pag-uusapan namin,” natatawang kuwento ni Luis nang makatsika namin last Sunday sa Axe Gold Pass elimination round sa Eastwood Mall.

Pero wala pa sa plano nila ng aktres ang kasalan. Not this year o kahit sa early part of next year ayon pa kay Luis.

Sabi pa ni Luis, kailangan pa niyang mag-ipon para in case na makasal sila, ready sila financially at hindi na nila kailangang masyadong magtrabaho.

‘Yun ay kahit alam naman ng lahat na may taxi business si Luis at kabi-kabila ang kanyang TV assignment, endorsement at maging sa pelikula. Idagdag pa ang mamanahin niya sa mga magulang na sina Gov. Vilma Santos at Edu Manzano.

May ipon naman daw siya pero pakiramdam niya baka good for two years lang in case na makasal sila.

Edu binalikan ang kapamilya?!

Balik-ABS-CBN na ba si Edu Manzano? Kahapon ay naispatan siya sa bakuran ng Kapamilya network.

Nagkagulo raw ang mga naiwan niyang ‘kapamilya’ nang makita ang TV host. Nakipagtsikahan daw ito sa dating mga kasama at staff ng show pero hindi sure na sure ang source kung babalik na ba siya. Though nauna nang nabanggit ni Edu na tapos na ang kontrata niya sa TV5. Huling programa niya sa Kapatid Network ang Face The People with Gelli de Belen and Christine Babao.

May isa akong tinanungan at nagsabing malamang na kasama sa isang serye ang TV host/actor though ayaw pa nitong ikumpirma.

Wait na lang tayo kung ano ang babalikan ni Edu sa Kapamilya Network.

Halos 10 milyon premyo pag-aagawan sa The Amazing Race Philippines!

Tuloy na tuloy na nga ang ikalawang season ng The Amazing Race Philippines (TARP) na eere simula Lunes, October 6, 7:00 p.m. sa TV5. Hosted by Derek Ramsay, 11 na pares ng contestants ang mapalad na nabigyan ng pagkakataon magkaroon ng once-in-a-lifetime adventure na mapasama sa pinaka-successful at most awarded reality show sa buong mundo. Sa tulong ng Active TV Asia na pinangungunahan ng kanilang Executive Director na si Michael McKay, mas pinalaki at mas pinatinding season ng TARP ayon sa TV5. 

Susubukin ang lakas, talino at tibay ng pagsasama ng 11 official racers na kinabibilangan ng sexy besties na sina RR Enriquez at Jeck Maierhofer, blondies na magkapatid na sina Tina at Avy Wells, chefs Eji Estillore at Roch Hernandez, dating couple Matt Edwards at Phoebe Walker, Team Juan D Charlie Sutcliffe at Daniel Marsh, ang mag-ama na sina AJ at Jody Saliba, mga nerds na sina Vince Yu at Ed Maguan, travel buddies Zarah Evangelista at Osang Dela Rosa, ang mga Mr. Pogi na sina JP Duray and Kelvin Engles, ang magkapatid na sina Jet at Yna Cruz, at Pinay world champs Gretchen Albaniel and Luz McClinton. Mag-uunahan ang 11 racers para sa humigit-kumulang 10 milyong pisong halaga ng mga papremyong hatid ng TV5 at ng kanilang mga sponsors: 2 house and lot mula sa RCD Royale Homes, 2 KIA Sportage SUVs, at tumataginting na 2 milyong pisong hatid ng PLDT Home Telpad! 

Talaga namang bigger, bolder at more amazing than ever ang The Amazing Race Philippines Season 2 kaya tutukan natin, mula Lunes-Biyernes 7:00 p.m. at Sabado-Linggo, 9:00 p.m. simula October 6 sa TV5!    

 

Show comments