Mahal Ko o Mahal Ako panalo sa Himig Handog 2014

MANILA, Philippines - Itinanghal na grand prize winner sa Himig Handog Pinoy Pop (P-Pop) Love Songs 2014 ang Original Pilipino Music (OPM) masterpiece na Mahal Ko o Mahal Ako na komposisyon ni Edwin Marollano at inawit ni KZ Tandingan.

Sa finals night na ginanap sa Araneta Coliseum noong Linggo, tinalo ni Ma­rollano ang 14 pang kapwa songwriter-finalists at nagwagi ng P1 milyong cash prize at isang tropeyong idinesenyo ng kilalang iskultor na si Michael Cacnio. Samantala, si KZ naman ang tumanggap ng ABS-CBN.com Favorite Interpreter Award.

Kinilala namang 2nd Best Song ang Halik sa Hangin, ang awit na isinulat ni David Dimaguila at kinanta ni Ebe Dancel kasama si Abra. Nanalo rin ang  Mahal Kita Pero (3rd Best Song, komposisyon ni Melchora Mabilog na inawit ni Janella Salvador); Walang Basagan ng Trip (4th Best Song, komposisyon ni Eric De Leon na inawit nina Jugs at Teddy at Hindi Wala (5th Best Song, komposisyon ni Nica del Rosario na inawit ni Juris).

Samantala, iginawad rin ang mga sumusunod na special awards sa finals night ng pinakamalaking multimedia songwriting competition sa bansa:

STAR CINEMA’S CHOICE AWARD: Halik sa Hangin

MYX’S CHOICE FOR BEST MUSIC VIDEO AWARD: Mahal Kita Pero (music video director: San Beda College Alabang)

STAR MUSIC LISTENERS’ CHOICE AWARD: Bumabalik ang Nagdaan (komposisyon ni Sarah Jane Gandia na inawit ni Jessa Zaragoza)

MOR 101.9 LISTENERS’ CHOICE AWARD at ABS-CBNmobile FAN FAVORITE AWARD: Simpleng Tulad Mo (komposisyon ni Meljohn Magno na inawit ni Daniel Padilla)

TFC’S CHOICE AWARD at STARSTUDIO READERS’ CHOICE AWARD: If You Don’t Want to Fall (komposisyon ni Jude Gitamondoc na inawit ni Jed Madela)

Kabilang rin sa finalists sa Himig Handog P-Pop Love Songs ngayong taon ang Akin Ka Na Lang (komposisyon ni Francis Louis Salazar na inawit ni Morissette),  Dito  (komposisyon ni Raizo Brent Chabeldin at Biv De Vera na inawit ni Jovit Baldivino), Hanggang Kailan (komposisyon ni Jose Joel Mendoza na inawit ni Angeline Quinto); Pare Mahal Mo Raw Ako (komposisyon ni Jovinor Tan na inawit ni Michael Pangilinan); Pumapag-ibig (komposisyon ni Jungee Marcelo na inawit ni Marion Aunor kasama sina Rizza at Seed); Umiiyak ang Puso (komposisyon ni Rolando Azor na inawit ni Bugoy Drilon); and  Everything Takes Time (isinulat at inawit ni Hazel Faith dela Cruz).

Ang Himig Handog ay ang kauna-unahang inter­active multimedia songwri­ting competition sa bansa. Inilunsad ito noong 2000 bilang pagpupugay sa overseas Filipino workers.

 

Show comments