Pagkatapos nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, sina James Reid at Nadine Lustre naman ang tatangkaing gawan ng intriga. Sinasabing may itinatagong girlfriend si James kaya hindi puwedeng maging sila ni Nadine.
Oww, come on, sino man kayong nagpapalutang nito, masama na naman ang intensyon n’yo. Porke inabot ng indulto ang Kathniel kailangang maging ganito rin ang kapalaran ng JaDine? Tumigil-tigil nga kayong nagtatangkang pabagsakin ang dalawang sikat na loveteam. Napakasasama n’yo!
Bea ayaw pumatol sa bashers
Nag-renew ng kontrata sa GMA ang magka-loveteam na Jake Vargas at Bea Binene. Tatlong taon pa silang mapapanood sa Kapuso Network.
Ewan ko rin naman kung sino ang nagpapalutang ng balitang gustong lumipat ng ABS-CBN ni Bea eh palagay ang loob nito bilang Kapuso. Again, may gumagawa na naman ng intriga, at obviously, siya ang gusto nilang masira. Buti na lang at isa ito sa mga ayaw pumatol sa intriga. Buti na lang!
Dingdong ‘ginagamit’ para pagkakitaan
Nasa intriga na rin lang tayo, heto ang isang classic. Pinagbibintangang may bago si Dingdong Dantes na kapu-propose lamang kay Marian Rivera. Sino ang maniniwala sa balita? Meron ba? ‘Yun pala, sinasabi lang na may bago siyang kapareha sa Kubot: The Aswang Chonicles na tinanggihan ni Lovi Poe. ‘Yun ang bago at hindi girlfriend. Minsan sa titulo lang ng artikulo ay pwede nang maka-mislead. Kaya konting ingat naman sa gumagawa ng titulo ng mga artikulo. ‘Wag gamitin ang titulo para kumita lang ang ibang dyaryo.