Megan gagawan ng libro ang mga karanasan sa Miss World
Isang taon na ang nakalilipas mula nang mag-win si Megan Young ng Miss World title sa Bali, Indonesia.
Nag-promise si Megan sa kanyang fans na isusulat ang mga karanasan niya sa literal na paglilibot sa buong mundo.
Dahil sa kanyang beauty title, nabigyan ng malaking opportunity si Megan na marating ang mga bansa na hindi niya inakala na mapupuntahan. Nakilala rin niya ang mga kilalang lider at tao na nababasa lamang dati sa diyaryo at napapanood sa TV.
Ang pangako ni Megan na isusulat ang mga karanasan bilang Miss World ang kontra-sagot na kaya sa tsismis na extended for another year ang kanyang reign?
Dating aktor na si Dale Villar masyadong na-excite mapanood uli ang sarili sa TV
Na-miss ni Dale Villar ang showbiz dahil hindi na yata siya natulog sa pag-aabang sa telecast ng Kapuso Mo, Jessica Soho noong Linggo.
Matagal nang naninirahan si Dale sa Oregon at nagtatrabaho siya sa isang prestigious car company sa Portland.
Tungkol sa mga aktor na tinilian noon ng fans ang feature story ng Kapuso Mo, Jessica Soho at kabilang si Dale sa dalawang aktor na hinanap ng staff ni Mama Jessica.
Obvious na na-miss ni Dale na mainterbyu sa TV dahil Biyernes pa lang sa Amerika, nagtatanong na siya kung sino ang nakapanood at nakapag-record sa episode ng KMJS.
Habang umeere noong Linggo ang KMJS, panay ang tanong ni Dale sa kanyang Facebook friends kung naipalabas at napanood na nila ang interbyu sa kanya ng staff ng programa.
Naghanap din si Dale ng link dahil sobrang excited na siya na mapanood ang sarili sa TV. Ilang minuto matapos umere ang interbyu sa kanya, may kopya agad si Dale ng full episode ng Sunday night show ni Mama Jessica. Hanggang kahapon, puro tungkol sa pag-apir niya sa programa ni Mama Jessica ang nakalagay sa Facebook timeline ni Dale na aligaga at hindi mapalagay dahil sa sobrang pagka-miss niya sa showbiz.
Hindi nag-iisa si Dale dahil marami sa inactive stars ang type na type na mapanood uli sa TV at naghihintay lamang ng tawag mula sa mga talent coordinator ng mga TV show. Sinungaling ang artista na magsasabi na hindi nila na-miss ang fame and fortune na natikman noong kainitan ng kanilang mga showbiz career.
Alfred natuloy ang pagre-report sa bayan
Natuloy noong Sabado ang 1st Congressional Report ni House Representative Alfred Vargas sa Rosa Susano Elementary School, Novaliches City.
Na-delay ng isang linggo ang report ni Alfred sa constituents niya sa District 5 ng Quezon City dahil sa Typhoon Mario at sa habagat na nanalanta sa Metro Manila noong Biyernes, September 19.
Nagdesisyon agad si Alfred na kanselahin ang event dahil top priority niya ang pagtulong sa mga biktima ng pinagsanib na puwersa ng habagat at ng Typhoon Mario.
Very positive ang response ng constituents ni Alfred sa kanyang congressional report. Nakita naman ng District 5 residents na talagang nagtrabaho nang husto si Alfred sa unang taon ng panunungkulan nito sa Kongreso para matulungan sila at maipatupad ang mga project na pinakinabangan nila.
- Latest