Buong akala sa showbiz ay nag-migrate sa Amerika aktor nanlilimahid sa rumi, parang taong grasa

May nakapagbulong sa akin na isang character actor tungkol sa kalagayan ngayon ng aktor na nagbida na sa pelikula nun. Akala nila ay tuluyan na itong nag-migrate sa Amerika.

Pero laking gulat nito nang may nagbalita sa kanyang legman na nakita ang aktor. Nung una ayaw n­iyang maniwala na ito ang aktor na makisig, matikas ang pangangatawan, at magaling ding umarte.

Sinipat-sipat pa ng legman ang aktor na nakita niyang naglalakad sa isang kalye somewhere in Pam­panga. “Nanlilimahid ito sa dumi, payat na payat, humpak ang pisngi, at mahaba ang buhok. Hindi mo talaga makikilala siya ’yung dating guwapong aktor! Para na siyang taong grasa,” ayon sa legman.

Hindi niya marahil natanggap ang pagiging laos kaya siguro nagkarun ng matinding depresyon.

Gangster lolo, nakakaaliw

Kumpleto ang cast ng Gangster Lolo, Buhay Pa, Alamat Na na dumalo sa press preview ng pelikula na idinaos sa MOWELFUND. Narun sila Bembol Rocco, Rez Cortez, Soxie Topacio, Pen Medina, at Leo Martinez sa direksyon ni William Mayo. Kasama pa rin sina Isabel Granada at Janice Jurado.

Equal ang exposure ng mga bida at mabilis ang pacing ng pelikula kaya hindi nakakainip panoorin. Maganda ang mensahe ng pelikula - tungkol sa pagmamahal ng isang ama sa anak, pagmamahal sa asawa, kapatid, at kaibigan.

Mandurukot ang mga lolo na hina-hunting ng isang grupo dahil sa kanila hinahanap ang nawawalang pera na ang gusto ipagkaloob sa kawanggawa o itulong sa mga kapuspalad ng matatanda.

Ito’y prodyus ni Randolph Nonato at palabas na ngayong November 25.

Natutuwa rin ang maliliit na manggagawa dahil hindi sila ngayon nawawalan ng trabaho dahil sa mga bagong producer na naging interesado sa paggawa ng pelikula.

 

Show comments