Hindi naman nakapagtataka na ayawan ni Jericho Rosales ang role na ibinibigay sa kanya sa remake ng napaka-hit serye nila ni Kristime Hermosa na Pangako Sa ‘Yo. Bida nga naman siya sa seryeng hindi pa nakakalimutan ng manonood kahit maraming taon na nang huli itong mapanood dito at kasalukuyan pang napapanood sa Jeepney TV at sa maraming kapatid nating bansa sa Asya. Walang role na maaari niyang tanggapin sa remake na kapareho ang bigat ng ginampanan niya sa orihinal na palabas kaya siguro siya tumanggi. Pero all praise siya sa mga bagong gaganap ng roles nila ni Kristine na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Samantala, tinanggihan din diumano ni Jodi Sta. Maria ang role na unang ginampanan ni Eula Valdez sa nasabing serye. Unang dahilan ay baka ang nakatakda niyang pagbabakasyon kasama ang pamilya niya pagkatapos ng Be Careful with My Heart. Isa pa, marami sa tagasubaybay niya ang naniniwalang hindi pa siya dapat tumanggap ng role ng isang kontrabida na nagpasikat nang husto kay Eula nung unang ginampanan niya ito. Baka hindi pa raw handa ang manonood matapos ang dalawang taon niyang pagiging wholesome at mabait sa BCWMH.
Journey sa pagiging international star ni Anne nag-umpisa na
Si Anne Curtis pa lamang ang kauna-unahang local actress na may pelikula sa Hollywood na mapapanood dito very soon. Hindi nga lamang maingay ang Kapamilya actress, pero kahit matatawag itong isang indie movie sa panig na ‘yun ng Amerika, still it’s a Hollywood made movie na isang magandang simula ng kanyang journey patungo sa pagiging isang international star.
The movie titled Blood Ransom will be released locally by Viva Films, ang management arm na humahawak ng career ni Anne.
Michael napi-pressure sa kanta ni Joven Tan?!
Napakalaking disadvantage kay Michael Pangilinan ‘yung pagkakapanalo ng grand prize ng composer ng awitin niyang Pare, Mahal Mo Raw Ako na si Joven Tan sa competition last year for songwriters din. Maganda ang song at magaling din ang nag-interpret na si Aiza Seguerra. Baka bigyang bigat ito ng mga hurado at hindi na bigyan muli ng kaparehong chance ang interpretation ni Michael na talaga namang maganda ang interpretation, lalo na ang orchestration kung ikukumpara sa mga ibang songs sa mga promo video para sa PhilPop Himig Handog Love Songs 2014. Parang dumating na si Michael sa hangganan ng kanyang pagkanta kung kaya nabigyan niya ng magandang interpretasyon ang komposisyon. Sana nga hindi makahadlang ang naging panalo ni Joven last year.
Kahit ‘di pa kasal, John at Isabel nangangarap na ng tatlong anak
Kapu-propose pa lamang ni John Prats sa nobya niyang si Isabel Oli at ni hindi pa sila nakakapili ng petsa para sa kanilang kasal sa 2015, pero heto sila ni Isabel at nangangarap nang magkaanak agad! At tatlo agad ang gusto nilang mga supling. But then, matagal nang plano ng aktor ang mag-asawa, hindi lang siya agad nakaisip ng magandang paraan ng proposal. Hindi naman siya nabigo sa ginawa niyang pag-iisip dahil maituturing na isa sa pinaka-unique ang marriage proposal na ginawa niya para sa kanyang nobya.
Miguel at Bianca nanganganib masapawan
May bago ring loveteam na bini-build up ang GMA kina Ruru Madrid at Gabrielle Garcia, na napapanood sa My Destiny at magsisimula ang loveteam nila sa isang serye na papalit sa My BFF, ang Soulmate, Soulhate episode ng Seasons of Love na ididirek ni Gina Alajar.
It’s too soon na sabihin na madi-develop ang dalawa. Masyado pa silang bata para magkaro’n ng romansa. Kinse lang si Gabrielle at 16 si Ruru. Tama lang ang desisyon nilang maging magkaibigan na lang muna para hindi madiskaril ang balak ng Kapuso Network sa kanila.