Alfred magpa-pass ng bill para hindi makagamit ng internet ang mga bata!
PIK : Magkakaroon ng benefit concert para kay Tia Pusit sa Linggo, October 5 na inaasahang sasalihan ito ng mga performer na malapit kay Tia Pusit at gustong tumulong sa kanya.
Ang latest na nabalitaan namin, nasa ICU na ang kilalang komedyante dahil sa dalawang beses daw itong na-stroke pagkatapos niyang operahan.
Sa mga gustong bumili ng tikets at gustong sumali sa naturang benefit show ay maaring kumontak kay Elaine Lozano sa telepono 09158815481.
PAK: Suportado si Cong. Alfred Vargas ng mga kapwa Congressman at ilang liders ng Quezon City sa kanyang 1st Congressional Report to the People of Novaliches na ginanap sa Rosa Susano Elementary School sa Novaliches.
Impressive ang report ni Cong. Alfred ng projects nito na nakakatulong sa kanyang mga constituent.
Isa pala sa pinag-iisipan ni Alfred na ipapasang bill sa Kongreso ay i-regulate daw ang paggamit ng mga bata ng Internet.
Pahayag ng actor/politician: “Pinag-aaralan namin ‘yan, kasi merong isang insidente rito sa aking distrito na nagbisita ako sa isang patay, at nagulat ako na ang patay ay ang batang 5 year old na babae. Tinanong ko kung bakit siya pinatay, iyun pala naglalaro sila nang kalaro niya na lalaki nagkapikunan sinaksak siya ng barbeque stick ng maraming beses. Umuwi siyang duguan na lang.
“Medyo na-awaken ang sense of urgency ko tungkol diyan, dahil sa Internet nakikita natin… na na-expose ito sa lahat ng bata sa pornography, sa violence sa bad influence.
“Although dun din nakukuha ang research para sa education, dun ang mga magagandang advice. So, sa tingin ko dapat bigyan din ng konting regulation para sa mga bata.”
Isa rin daw sa dahilan kung bakit wala siyang social media account dahil ayaw din daw niyang naba-bash siya.
Matindi raw kasi magbigay ng komento itong mga basher. Kaya gusto na lang niyang iwasan.
BOOM: Hindi pa napagdesisyunan nina John Prats at Isabel Oli kung kailan sila magpapakasal, pagkatapos ng proposal.
Sabi ni John si Isabel na raw ang bahalang mag-decide kung kailan ang kasal, pero hindi pa raw nila napapag-usapan sa ngayon.
Kung si Isabel ang masusunod, gusto niyang sa susunod na taon na ito.
Sabi ni Isabel; “Basta next year, ‘yung date wala pa talaga.
“Ewan ko kung April or May ganun siguro 2015.”
Sabi naman ni John para kay Isabel; “Lagi kong sinasabi sa kanya huwag kang ma-pressure. Just take your time . You know that day is for you.”