Claudine hindi nakiramay sa pamilya Santiago, pero mga kapatid na sina Gretchen, Marjorie, at iba pa todo ang pakikiluksa

Seen:  In full force na nakiramay ang Barretto siblings (Gretchen, Marjorie at kanilang mga kapatid) sa mga naulila ni Mrs. Cielito Legaspi-Santiago sa La Salle Greenhills Chapel noong Sabado nang gabi.

Scene: Karapatan ni Claudine Barretto na huwag pumunta sa burol ng kanyang biyenan upang hindi na madagdagan ang kontrobersya sa pagitan nila ni Raymart Santiago. Puwedeng magluksa at ipagdasal , privately, ni Claudine ang pumanaw na ina ng kanyang estranged husband.

Seen: Iniuwi at katabi ni Raymart Santiago sa pagtulog ang urn na naglalaman ng abo ng labi ng kanyang ina. Si Raymart ang bunsong anak ni Mrs. Cielito Legaspi-Santiago.

Scene: “Very supportive father” si Piolo Pascual sa guesting at production number kahapon sa ASAP19 ng kanyang anak na si Iñigo. Maraming bigas pa ang kakainin ni Iñigo upang marating niya ang naabot na kasikatan ni Piolo.

Seen: Ang proud announcement ni Toni Gonzaga na 80% sold-out ang tickets para sa Celestine, ang kanyang 15th anniversary concert sa Mall of Asia Arena sa October 3.

Scene: Kinilig ang fans ni Sarah Geronimo sa Instagram post ni Matteo Guidicelli na siya ang “perfect imperfection”  ng kanyang boyfriend na hindi na niya kailangan na itago sa mata ng publiko.

Seen: Puwedeng bida ng remake ng Palimos ng Pag-Ibig si Andi Eigenmann dahil sa sobrang pag-iyak niya sa mga pagsubok sa relasyon nila ni Jake Ejercito. Dapat ipaalaala ni Jaclyn Jose sa kanyang anak na “there’s too many fishes in the ocean.”

 

Show comments