MANILA, Philippines - Dinicline pala ni Richard Gutierrez ang offer ng GMA-7 na ma-feature sa bago nilang programa. Weekly ang concept ng nasabing programa. Sina Richard and Sarah Lahbati sana ang bida sa unang episode pero narinig ko mismo kay tita Annabelle Rama na ayaw ni Richard ng short term basis kaya hindi nito tinanggap ang offer.
Maging ang TV5 daw ay nag-offer na rin kay Richard ng programa na good for one week lang, pero hindi rin tinanggap ng actor.
Sa ngayon ay sa promo ng second season ng It Take’s Gutz to be a Gutierrez naka-concentrate si Richard at ang buong pamilya ng Gutierrez. Eere na next week sa E Channel ang nasabing reality show.
Showtime limang taon na, mga host na kinapitan ng matinding intriga nakabangon
Nakakalimang-taon na rin pala ang noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime.
Parang kailan lang nang mag-umpisa ang noontime show at lahat ng main hosts ay kinapitan na ng matinding kontrobersiya – Anne Curtis, Vice Ganda, Vhong Navarro, Billy Crawford at si Kuya Kim Atienza na nagkasakit at nanganib ang buhay.
Pero lahat naman sila ay nalampasan ang mga nasabing kontrobersiya at pagsubok.
Kaya naman, bilang pasasalamat, isang buwang selebrasyon ang ihahanda nila upang ipagdiwang ang limang taong pamamayagpag nila sa ere at pagbibigay-saya sa madlang people.
Magsisimula ito sa Oktubre 1 (Miyerkules) kung saan ilalantad ng programa ang malalaki nitong sorpresa at pagsisimula ng Magpasikat Month.
Ngayon pa lang ay naghahanda na para sa taunang Magpasikat Week ang hosts na sina Anne, Vhong, Kuya Kim Atienza, Billy Crawford, Karylle, Jhong Hilario, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Coleen Garcia, Eruption Tai, at Vice Ganda para sa kanilang muling paglalaban-laban. Sinu-sino kaya ang magkakagrupo ngayong taon at anu-anong pasabog kaya ang ihahain nila sa kanilang performances? Sinu-sino rin kaya ang mga bigating hurado na huhusga sa kanila?
Hindi lang daw ang hosts ang magpapakitang gilas dahil pati ang mga madlang people at ang mga kapamilyang naging bahagi ng programa sa nakalipas na limang taon ay araw-araw ding bida sa selebrasyon.
TV5 naka-jackpot sa Wattpad
Naka-jackpot ang TV5 sa Wattpad. Malakas ang feedback sa unang Linggo ng kanilang palabas last week na pinagbidahan ng real life sweetheart Jasmine Curtis and Sam Concepcion, My Tag Boyfriend. Tapos na ang nasabing kuwento dahil one book per week lang.
This week sisimulan ang 2nd installment ng Wattpad Presents Mr Popular Meets Ms Nobody kung saan itatampok ang love-hate relationship ng sikat na fictional characters nina Kyle at Chelsea.
Sumikat sa dynamic at interactive community ng mga readers at writers ang Wattpad, Mr Popular Meets Ms Nobody ay sinulat ni Pinkyjhewelii at ito ay may 11.9M reads na sa Wattpad.
Magsasama ang Artista Academy scholar na si Mark Neumann na bibigyang buhay ang sikat na fictional character ni Kyle, and most popular guy sa campus na mahuhulog ang loob sa isang ordinary girl na si Chelsea, na gagampanan naman ng Artista Academy scholar ding si Shaira Mae Dela Cruz.
Tampok din sa Mr Popular Meets Ms Nobody sina Lander Vera Perez, Shirley Fuentes, Carlos Morales, at ang veteran actress na si Perla Bautista.
Dito rin sa episode na ito kasama si Diego Loyzaga and Pam Mendiola na sister ni Jessy Mendiola.
Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 7:00 pm, simula Sept 29, sa TV5.