Pagsasara ng tinuturuang iskwelahan ni direk Carlitos ikinatuwa ng maraming Pinoy
Bagaman at nakalulungkot na magsasara na ang iskwelahang pinagtuturuan ni direktor Carlitos Siguion-Reyna sa Singapore, matutuwa na ang marami niyang kababayan na mababalikan na niya ang kanyang trabaho rito bilang direktor. Siya ang direktor ng malapit nang mapanood sa mga sinehang Hari ng Tondo. Nakasali ito sa Cinemalaya Film Festival at nagbigay kina Robert Arevalo at Cris Villongco ng acting awards. Isa ito sa ipinagmamalaki sa Cinemalaya Filmfest 2014.
Pakikiramay sa pamilya Santiago…
Nakikiramay ako sa pagkamatay ng ina ni Raymart Santiago. Naospital pala ito dahilan sa kumplikasyon na idinulot ng iniinom nitong gamot? Isang mahusay na artista si Cielito Legaspi-Santiago na iniwan ang kanyang pag-aartista para maging full-time housewife at ina nina Raymart, Rowell, Randy, at Junjun.
Muli, ang aking pakikiramay sa pamilya.
- Latest