Ulila nang lubos ang magkakapatid na Randy, Rowell, Rhea, Jun-Jun, Raymart, at Chi-Chi Santiago, anim na anak ng mag-asawang Pablo Santiago, Sr. at ng dating actress na si Cielito Legaspi-Santiago. Ang paboritong director ng yumaong action king na si Fernando Poe, Jr. (FPJ) na si Pablo Santiago ay namapaya noong August 16, 1998 sa sakit nito sa kidney. Habang ang misis nitong si Cielito Legaspi ay sumakabilang-buhay noong umaga ng September 26 (Biyernes) matapos itong ma-confine ng mahigit isang buwan sa Cardinal Santos Hospital sa San Juan City sanhi ng kumplikasyon.
Sumakabilang-buhay si Cielito na mas kilala as Mommy Celing na baon sa kanyang dibdib ang pagkalungkot na may kinalaman sa hiwalayan at problema ng dating mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto. Hanggang sa kanyang pagpanaw ay hindi nito nakita at nasaksihan na naging maayos ang dating mag-asawa at lubos din niyang na-miss ang kanyang mga apo na sina Sabina at Santino na very close sa kanya.
Anak ni Niño atat na atat umakting kasama si Bossing
Kakaiba ang excitement na ipinakita ng child star na si Alonzo Muhlach nang ito’y mag-report sa shooting ng Prinsesa episode ng My Big Bossing’s Adventures na pinagbibidahan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) box-office king na si Vic Sotto kung saan din kasama sina Ryzza Mae Dizon, Marian Rivera, Niño Muhlach, Jose Manalo, at marami pang iba.
Alas-10 pa ng umaga ang call time ng shooting ni Alonzo pero alas-6 pa lamang ng umaga ay gising na ito at gusto nang pumunta sa shooting dahil gustung-gusto na niyang umarte kasama ang kanyang Tito Vic (Sotto) at si Ryzza Mae.
Tuwang-tuwa rin ang ama ni Alonzo, ang dating Child Wonder na si Niño dahil kasama rin siya sa pelikula ni Bossing na pang-MMFF.
Since may RM (Road Manager) na si Alonzo, si Beth Madayag, kampante naman si Onin (Niño) na, in good hands ang kanyang bunso kasama ang yaya nitong si Yaya Elsa.