Lovi naudlot sa Yolanda ni Nora

Isa sa mga ikinatutuwa ni Lovi Poe ‘pag gumagawa ng pelikula sa Regal Entertainment ay ang chance na makatrabaho ang talents sa ibang network. Gaya na lang sa Flight 666 ng Shake, Rattle & Roll XV, sina Matteo Guidicelli at Daniel Matsunaga ang kanyang kasama.

Kung hindi raw sa nasabing pelikula, malabong makatrabaho niya ang dalawa dahil may exclusive contract ang mga ito sa ABS-CBN. Idagdag pa pala si Kiray Celis na kasama rin sa Flight 666.

Habang wala pang bagong soap si Lovi sa GMA-7 dahil katatapos lang ng Ang Dalawang Mrs. Real, ang paggawa ng mga natanggap na pelikula ang gagawin. After ng Flight 666, gagawin nito ang remake ng Where Love Has Gone, sa Regal pa rin to be directed by Dondon Santos.

Naghahanap pa ng leading man ni Lovi para sa Where Love Has Gone dahil hindi yata puwede si Derek Ramsay at hindi rin pumuwede si Jake Cuenca mag-aaral ito ng acting sa New York.

Hindi na rin yata tuloy si Lovi sa Yolanda dahil sabi ng manager nitong si Leo Dominguez, walang tumawag sa kanila para sa pelikulang tungkol sa bagyong Yolanda na pagbibidahan ni Nora Aunor. Kaya pala nang tanungin namin ang Superstar kung sino ang makakasama niya sa movie na isu-shoot sa Tacloban bago siya lumipad for New York sa October, hindi nito nabanggit si Lovi.

Carla walang epek ang diet, mataba pa rin daw

Nabasa namin ang pakiusap ng ilang fans ni Carla Abellana na magpapayat siya, mag-gym, at mag-diet dahil ayaw nilang naba-bash ito dahil tumaba ang aktres. Sila raw ang nasasakan ‘pag pinipintasan ang aktres dahil sa timbang, kaya pakiusap nila, bigyan nito ng time ang kanyang timbang.

Unang pinuna ang pagtaba ni Carla nang rumampa sa Bench fashion show na The Naked Truth dahil sa halip na ang suot at magandang mukha, ang pagtaba ang mas napansin dito. Wala pang sagot si Carla tungkol dito dahil nasa Redondo Beach, California ito kasama sina Tom Rodriguez, Miguel Tanfelix, Betong, at Julie Anne San Jose.

In fairness, nagda-diet din naman si Carla at nagdyu-juicing pa nga. Huwag natin siyang piliting mag-gym dahil puyat siya sa taping ng My Destiny at Ismol Family. Sa October 5, sisimulan na nito ang shooting ng Ulam episode nila ni Dennis Trillo ng Shake, Rattle & Roll XV.

 

Show comments