Umiral na naman ang pagkabaklita ni Floyd Mayweather, Jr. dahil tinawag niya na “Miss” si Congressman Manny Pacquiao. Kung may dapat na tawagin na Binibini, si Mayweather, Jr. ‘yon at hindi si Papa Manny dahil takot na takot siya na makalaban ang ating Pambansang Kamao.
Puro pagtataray na lang ang ginagawa ni Mayweather, Jr. Putak siya nang putak. All bark, no bite!
Hindi na kailangan ni Papa Manny na resbakan si Binibining Floyd Mayweather, Jr. dahil ang fans niya ang sumagot para sa kanya.
I’m sure, naloka si Mayweather, Jr. dahil hindi niya inaasahan na kapwa mga Amerikano ang naimbyerna sa kanyang panglalait kay Papa Manny.
Pagod na rin kasi ang American boxing fans sa mga kadramahan ni Bb. Mayweather, Jr. Mas gusto nila na ipakita ni Bb. Mayweather, Jr.sa boxing ring ang kanyang tapang kay Papa Manny. Hindi ‘yung inaaksaya niya ang kanyang lakas sa pagtataray. Daig pa siya ng mga baklita na matatapang, lumalaban at hindi puro putak ang nalalaman.
Sa true lang, hindi iniintindi ni Papa Manny ang mga kaartehan ni Bb. Mayweather Jr.
Mas excited pa si Papa Manny sa nalalapit na worldwide release ng documentary film na Manny.
Si Liam Neeson ang narrator ng documentary tungkol sa life story ni Papa Manny.
Ang Universal Pictures United Kingdom ang magre-release sa November 17 ng Blu-ray at DVD copies ng Manny. Ito ang inilabas ng press release ng Universal Pictures UK tungkol sa Manny:
“Manny - a new documentary narrated by Liam Neeson and helmed by Oscar-winning director Leon Gast (When We Were Kings) and Ryan Moore, aims to lift the lid on the remarkable life of superstar boxer Manny Pacquiao, the Filipino phenomenon who has become one of the most beloved and respected sportsmen of all time.
“The film features interviews with the fighter’s immediate family members, his trusted inner circle of trainers, physios, managers and promoters and provides a wealth of never-before-seen personal footage of the modern era’s greatest pugilist.
“The documentary also features interview’s with celebrity fight fans such as Mark Wahlberg, Jimmy Kimmel, Jeremy Piven and Oscar De La Hoya, who speak out about Pacquiao’s incredible career to date.”
I’m sure, inggit na inggit kay Papa Manny si Bb. Mayweather, Jr. nang mabasa niya ang bonggang pralala ng Universal Pictures tungkol kay Manny. May ganoon ba si Bb. Mayweather, Jr.? Wala as in walaaaa!
Binigyan ba si Bb. Mayweather, Jr. ng ganoong pagpapahalaga nina Dela Hoya at Mark Wahlberg? Noo! Si Justin Bieber lang ang aliw na aliw sa mga kagagahan ni Bb. Mayweather, Jr.! Siya lang ang matiyagang pumapatol sa mga kaeklayan ng boxer na afraid na afraid kay Papa Manny!