Kasalang John at Isabel wala pang petsa

Nakakatuwa dahil ang mag-ex na sina Gab Valenciano at Isabel Oli ay pareho nang engaged sa napili nilang maging partner in life forever. Unang na-engaged si Gab sa fiancée niyang si Tricia Cente­nera at si Isabelle ay last Wednesday lang.

Sa March 2015 ikakasal sina Gab at Tricia at sa Instagram (IG) ni Gab, ibinalitang nakapagpa-book na sila ng venue, pero hindi sinabi kung kailan ang exact date ng wedding nila.

Wala pang balita (o ayaw pa lang ipaalam) kung kailan magpapakasal sina Isabel at fiancé nitong si John Prats. Siguradong masaya ang wedding ng dalawa at mag-i-effort ang engaged couple na ma­ging kakaiba ang kasal nila. Sa marriage proposal pa lang ni John, grabe ang effort at paghahandang ginawa nito at kanyang pamilya.

Anyway, ang ganda ng pagwi-welcome ni Ca­mille Prats kay Isabel na pinost niya sa IG. Sabi nito: “Congratulations my soon to be sister-in-law!!! So happy to officially welcome you in the family” at “Liv, so happy to have you in our family. You both truly deserve each other.”

Nadulas Gina kinumpirma ang relasyon nina Elmo at Janine!

Nadulas si director Gina Alajar habang kausap namin sa taping ng Season’s of Love at hindi sinasadyang nakumpirma ang relasyon nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez. Sabi ng press na successful ang pagkakadirehe niya sa dalawa sa Villa Quintana dahil matagal extended ang soap at ang next soap nila ay pre-primetime na. Baka after More Than Words, ang sunod nilang soap ay sa primetime slot na talaga ilagay.

“At naging sila pa!” sagot ni Direk Gina na in fairness, hindi binawi ang nabanggit at hindi rin ipina-off-the record. Kaya ‘yung mga nagdududa pa sa relasyon nina Elmo at Janine at naniniwalang for publicity lang ito, si Direk Gina ang nagpatunay na for real ang Elmo at Janine relationship.

Nabanggit sina Elmo at Janine dahil sa pilot episode ng Season’s of Love na Sweet Exchange (wor­king title), tampok ang love team nina Ruru Madrid at Gabrielle Garcia na ipina­kilala sa My Destiny.

Sa October 6, bago mag-24 Oras at kapalit ng My BFF ang Season’s of Love na tatakbo for one week. Sa October din ang premiere ng Yagit sa direction pa rin ni Direk Gina at mga bata naman ang kanyang mga bida.

Sheena nag-aaral ng interior design

Mukhang hindi matutuloy ang tsikang aalis sa GMA 7 si Sheena Halili at lilipat sa ibang network dahil matagal nang walang regular show. Kasama na siya sa cast ng Hiram na Alaala.

Natsika kasing gusto na raw umalis sa Kapuso Network si Sheena dahil ang Amaya pa yata ang hu­ling teleserye, eh, ‘yung mga nakasama niya rito, ilang shows na ang nagawa, pero siya, hindi nabibigyan.  

Samantala, thru’ her Instagram (IG) account, na­la­man naming nag-aaral ng Interior Design sa Philippine School of Interior Design sa Makati City si Sheena. Ang gaganda ng sample design na pinost niya sa IG at meron para sa mga anak nina Katrina Halili at Yasmien Kurdi.

Dahilan ng break up nina Aljur at Kylie na sina Geoff at Louise magsasama na!

Ikatutuwa ng fans ni Geoff Eigenmann ang balitang muli nilang mapapano­od ang actor sa second episode ng Season’s of Love titled Love in the Old City. Sa October 13 to 17 ang airing ng episode at kahit five days lang, okay na muna ito sa fans.

Sa Vigan ang taping ng nasabing episode at makakapareha ni Geoff si Louise delos Reyes. First time yatang magkakatrabaho ang dalawa na controversial ang pairing dahil nadamay sila sa break-up nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Ang saya lang! Ano kaya ang pag-uusapan nila sa taping sa malayong Vigan?

Show comments