Geoff kailangan pa ring magbawas ng natitirang taba sa katawan

Payat na si Geoff Eigenman nang rumampa sa isang fashion show. Pero kailangan pa niyang magpapayat pa para tuluyan na siyang maging yummy uli. Ang daming mga kasabayan niyang artista na mas payat at fit sa kanya, kailangan niyang mas mag-effort pa. Sila ang dapat niyang sabayan para makabalik siya completely.

Pamilya nina John at Isabel excited sa kasalan

Swerte ni Isabel Oli dahil talagang gusto siya ng pamilya ni John  Prats. Okay din naman si John sa pamilya ni Isabel. Kaya lahat ay excited sa nalalapit na kasal ng dalawa. Congrats sa inyo!

Dennis at Jennylyn hindi pa umaamin

Nagbalikan daw sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Mabuti kung totoo. Baka na-realize nila na para sila isa’t isa. Hindi man nila hayagang aminin na sila na nga uli, at least nagkapag-asa ang kanilang fans.

Show comments