Balitang nagbabalak lumipat ng network ni AiAi delas Alas. Siguro dahil matagal na siyang walang proyekto rito. ‘Yung role naman niya sa Dyesebel ay hindi masasabing ganun kalaki. Nanay pa siya ng bida at isa lamang siya sa support cast. Baka naman ang gusto niya ay ‘yung mala-Tanging Ina na serye na talagang siya ang bida. Pero bakit nga ba super absent ang komedyante? Ang tanging balita lamang tungkol sa kanya ay ang pagkakaro’n niya ng bago at nakababatang nobyo. Malapit na rin ang Metro Manila Film Festival (MMFF), pero wala rin siyang nasalihang entry. Bakit kaya?
Pelikula ni Cesar ididirek ng anak ni Gary V.
Ang bilis naman! But then, hindi mo masisi kung sinumang movie producer ‘yung magbibigay ng break sa panganay ni Gary Valenciano para makapag-direct ng pelikula. Maaring nakita niya ang pinakahuling konsyerto ni Mr. Pure Energy at na-impress ito sa maganda at napakabagong mga ideya at konsepto ni Paolo Valenciano na siyang binibigyan ng kredito ni Gary V. para sa napakagandang resulta ng Arise 3.0 concert nito. Bago ang movie ay tinanggap na rin ng nakababatang Valenciano ang pagkakataon na maidirek si Toni Gonzaga sa Celestine concert nito na mapapanood sa Oktubre 3 sa Mall of Asia Arena. Kung napanood n’yo ang Arise at nagustuhan n’yo ito, makabago rin ang konsepto ng Celestine na ipinagmamalaki nang husto ni Toni dahil hindi raw stiff at bagay na bagay sa edad niya. Makakasama rin niya sa palabas ang kapatid niyang si Alex Gonzaga at Vice Ganda. Si Pops Fernandez ang producer ng Celestine na hindi na rin baguhan sa paggawa ng mga ganitong palabas, having learned the ropes from her mother, Dulce Lucban. Who has produced several SRO concerts in the past na hindi lamang nagtampok sa kanyang anak at kay Martin Nievera kundi maging sa ibang performers din.
Sinimulan na ni Paolo ang Kid Kulafu, isang indie film tungkol sa buhay ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao nung bata pa siya, bago siya magsimula sa pagbo-boksing at nung mga unang taon niya bilang boksingero. Si Kid Kulafu na nag-training kay Manny noon naman ang bibida sa pelikula gagampanan ni Cesar Montano.
Sam pinaalalahanan si Daniel
Naglabas na rin ng kanyang sa loobin si Sam Concepcion tungkol sa audio scandal na kinasangkutan ng girlfriend niyang si Jasmine Curtis-Smith at ng Teen King na si Daniel Padilla. Walang galit kay Daniel o sama ng loob kay Jasmine si Sam sa naging kaganapan. Bagkus andun pa rin ang pagtitiwala niya sa kanyang nobya at suportado niya ito sa naging partisipasyon nito sa sinasabing video scandal at wala siyang nakikita na ikabahala o ika-insecure. Kay Daniel siya nagbigay ng paalala na dapat ay kilala nito nang lubos ang mga kaibigan at pinagkakatiwalaan niya.