Ruffa magja-judge sa TV show ng mga supermodel sa Singapore

Pagkatapos mag-host kasama si Raymond Gutierrez ng after party ng F1 Singapore, babalik sa Lion City si Ruffa Gutierrez dahil naimbitahan siyang mag-judge sa Season 2 ng Supermodel Me. Premiere ng show sa November 24 at mapapanood sa Diva Channel TV.

Sa Instagram (IG) niya, maraming pictures si Ruffa na kuha sa after party at kasama ang celebrities sa Singapore. Tanggap na siyang celebrity sa Singapore at pati sa Kuala Lumpur.

Samantala, masipag mag-promote ng Season 2 ng It takes Gutz to be a Gutierrez si Ruffa at gusto namin ang plugging na New Beginnings. New Directions. New Chaos and more drama. Sa presscon, nag-sample sina Ruffa at Annabelle Rama ng “More drama” na nagsimula sa pahayag ni Ruffa na ready na siya to fall in love again.

Natuwa sa kanila si Mr. Scott Mackenzie, NBC Universal VP for Channels in Asia Pacific at ang director na si Karen Wiggins na sabi, Annabelle talks about sex a lot.

Young actor na dismayado sa karir magpipiloto na lang

Totoo kaya ang nabalitaan naming tila give up na ang young actor (YA) na ito sa kanyang career at magpu-full time student na lang? Tatapusin na lang daw ni YA ang kontrata niya sa network at balik-eskwelahan na siya.

Kahit may shows si YA, hindi siya masyadong nabibigyan ng highlight. Sa isang interview, inamin nitong sumama ang loob nang alisin sa isang show na naipakikita niya ang talent sa pagkanta.

Hindi na raw siya babalik sa show kahit kunin siya uli. Sa ngayon, tila nawalan na ng gana si YA sa kanyang career. Sayang dahil may looks at ta­lents siya, kailangan lang i-push.

Sinabi na ni YA sa ama ang kagustuhang mag-aral para maging piloto at gagastusan ng ama ang kanyang tuition hanggang makatapos.

Mga bagong libro ni Rita, para pa rin sa kanyang namatay na anak

Binigyan kami ni Rita Avila ng third book niyang Ang Hindi Nakikitang Pakpak /The Invisible Wings. Binigyan din niya kami ng 8 Ways To Comfort with Grace at Si Erik Tutpik at si Ana Taba. Gaya sa nauna niyang libro, dedicated ni Rita sa pumanaw nilang anak  ni director FM “Erick” Reyes na si Elia Jesu E. Reyes ang libro.

Bida sa third book sina Popoy, Mimay at Pony, ang alagang dolls ng mag-asawa. Magugustuhan pang lalo ng mga bata ang libro dahil sa magandang guhit ni Jean Carla Molina. Mabibili ang libro sa St. Paul’s Bookstore sa SM malls at Gateway Mall.

Sa book signing ni Rita last Sunday sa SMX Mall of Asia, dumating si Marian Rivera na very close sa kanya at todo ang suporta kina Rita at direk Erick. Bumili at nagpapirma rin si Marian ng copy niya at kuwento ni Rita, halos magiba ang booth dahil nagkagulo ang tao.

Humabol din si Jean Garcia na laging nakasuporta sa kapwa aktres at dumaan din sina director Joven Tan, Mrs. Julie Torres na mommy ni Cong. Lucy Torres-Gomez at si Ricky Lee. Hindi nakahabol si Andrea Torres na close rin kay Rita.

Nalaman namin kay Rita na isa siya sa mga abay sa December 30 wedding ni Marian kay Dingdong Dantes. Unang nabanggit ni Marian na isa sa mga ninang si Rita, pero ngayon, abay na niya ito kasama sina AiAi delas Alas at KC Concepcion.

Entries sa Cine Totoo filmfest ng GMA News TV palabas NA sa mga sinehan

Present ang majority sa documentary directors ng documentaries na kasama sa 1st Cine Totoo Philippine International Documentary Film Festival ng GMA News TV. Kahapon, nagsimulang ipalabas ang 18 entries divided sa Philippine at Southeast Asian sections sa Trinoma, SM Megamall at SM City Manila at tatagal hanggang September 30 for P100 every screening.

With P150,000 grant from GMA News TV at ibang funding, ginawa nina Ferdinand Bala­nag, Nawruz Paguidopon, Sigfreid Barros-Sanchez, Richard Legaspi, Jan Tristan Pandy, Charliebebs Gohetia, Keith Sicat, Rafael Froilan, Ivy Rose Baldoza, Nef Luczon, at Cala Samantha Ocampo ang kanilang entries na 60 minutes ang minimum screening time.

Sa October 2, sa Newport Theater sa Resorts World Manila ang awards night at pipiliin ang Best Documentary, Jury Prize, at Audience Choice. Pipiliin din ang Best Asian Documentary sa seven entries mula Pilipinas, Indonesia, Thailand, at Singapore.

Sabi ni Cine Totoo Festival Director Joseph Liban, bukod sa trophy at cash prize, ipalalabas sa GMA News TV ang mananalo. Jurors at pipili ng winners sina Howie Severino, Ditsi Carolino, Doy del Mundo, director Adolf Alix at Nessa Vandellon, GMA News TV Channel Head.

Show comments