SEEN: Nanghihinayang si Robert Arevalo dahil hindi siya nakadalo noon sa awards night ng 2014 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival. Si Robert ang best actor winner ng 2014 Cinemalaya dahil sa kanyang pagganap sa Hari ng Tondo. Nagsalita si Robert na kung maibabalik lamang ang panahon, pupunta siya sa awards night upang personal na tanggapin ang best actor award trophy.
SCENE: Si Martin del Rosario ang gumanap na Romano Vasquez sa life story ni Romano na isinadula ng Wagas ng GMA News TV. Naging macho dancer noon si Romano at pumayag si Martin na mag-macho dancing sa mga eksena niya sa Wagas.
SEEN: Ang panawagan na i-boycott ang Bench dahil marami ang na-offend para sa foreign girl na ginawang “pet” ni Coco Martin at pinaglakad sa stage na parang aso sa The Naked Truth fashion show noong Sabado.
SCENE: Ang public apology sa Facebook account ng Bench tungkol sa binabatikos na insidente na inalis din nila kahapon.
SEEN: Dumating kahapon sa bansa ang American singer na si John Legend. Nakatakda sa September 26 ang concert ni Legend sa Smart Araneta Coliseum.
SCENE: Ang pagrampa ni Marian Rivera sa Disneyland Hong Kong, suot ang wedding veil na parte ng unang bridal shower para sa kanya.
SEEN: Dinudumog ng aspiring stars ang nationwide auditions ng Starstruck 6. May audition ngayon at bukas sa Souvenir Room ng GMA-7 Annex Building.
SCENE: Contract star ng Viva Films si Matt Edwards, isa sa mga official racer ng The Amazing Race Philippines Season 2 ng TV5. Ang kanyang girlfriend na si Phoebe Walker ang teammate ni Matt.