Iñigo close kay Piolo kahit sa ina lumaki!

Mukhang malabong mapigilan ni Piolo Pascual ang kanyang teenage son na si Iñigo Pascual na sundan ang kanyang mga yapak dahil ngayon pa lamang ay nagkakainteres na ito sa showbiz.

Last Sunday ay natupad ang pangarap ni Iñigo nang ito’y magdiwang ng kanyang kaarawan sa top-rating Sunday musical show ng ABS-CBN, ang ASAP kung saan sila nag-duet ng kanyang amang si Piolo.

Meron na ring pelikula si Iñigo, ang Relax, It’s Just Pag-ibig na nakatakdang ipalabas sa buwan ng Nobyembre. Meron din itong commercial with his dad.

Kung si Piolo lamang ang masusunod, gusto niyang magtapos muna si Iñigo sa kanyang pag-aaral sa Amerika bago ito mag-showbiz pero mukhang gustung-gusto na nitong pasukin ang industriya ng kanyang ama.

Derek at ex-wife dapat tularan ang nangyari kina Kris and James

Isa kami sa umaasa na sana’y magkaroon ng amicable settlement ang estranged couple na sina Derek Ramsay at Mary Christine Jolly alang-alang sa kanilang 11-year-old son na si Austin na siyang naiipit sa “giyera” ng kanyang mga magulang.

Bukas nakatakdang magharap sa Makati City Prosecutor’s Office ang dating mag-asawa para pag-usapan ang dapat ayusin sa kanilang pagitan.

Sa mga pahayag ni Derek, wala na siyang pakialam kung ano ang mga bintang sa kanya ng dating misis dahil ang mahalaga sa kanya ngayon ay kung paano siya makakabawi sa kanilang 11-year-old son na malayo ang loob sa kanya.

Dahil sa nangyayari ngayon kina Derek at Mary Christine Jolly, dito namin hinahangaan si Kris Aquino sa kanyang pag-atras sa kaso laban sa kanyang dating mister na si James Yap at pagpayag nitong maging magkaibigan silang muli ng dating asawa at gampanan nito ang pagiging ama sa anak nilang si Bimby, now 7 years old. Everything now is going smoothly sa pagitan nina Kris at James ganoon din naman ang relasyon ng mag-amang James at Bimby. At posible rin itong mangyari kina Derek at Mary Christine Jolly kung nanaisin nilang dalawa alang-alang sa anak nilang si Austin.

Show comments