2G mamimigay ng bahay at lupa!
MANILA, Philippines - Mamimigay ng brand new house and lot plus sasakyan ang PLDT Gabay Guro 2 (2G) sa gaganaping pagtitipon ng mga dakila nating teachers. Bukod sa malalaking premyo, magsasama-sama rin ang mga bigating celebrities sa October 5 para sa selebrasyon ng pagbibigay pugay sa mga guro ng bansa.
Si PLDT Gabay Guro Chairman Chaye Cabal-Revilla ang nagbalita tungkol sa exciting grand prizes na ipamimigay sa 2G ngayong taon.
This year nakipag-partner ang PLDT sa Vista Land para sa Camella house and lot, Piaggo for the brand new APE 3-wing van, and PR Savings Bank para naman sa motorcycle na kasama sa grand prizes sa kanilang pa-raffle. Ang iba pang mapapanalunan sa 2G ay livelihood program packages and cash gift.
Nakiisa na rin ang mga sikat na performers sa event na ito na naging avid supporters and partners na rin ng Gabay Guro advocacy.
Muling makikisaya ang Asia’s Songbird Regine Velasquez, who recorded the Gabay Guro tribute song Believing in Me. Makakasama ni Regine sina Pops Fernandez, Derek Ramsay, child superstar Ryzza Mae Dizon and TV5 actress Alice Dixson. Pero balitang marami pang ibang sorpresa na aapir para pasayahin ang mga teacher ng bansa.
Ang Gabay Guro ay ang education arm ng PLDT-Smart Foundation na pinamamahalaan ng executives ng PLDT Managers Club Inc. (PLDT MCI). Ang core program nito ay defined by its pillars on scholarships, training, housing, and educational facilities, livelihood, broadbanding, and computerization, and tribute sa teachers.
Ang 2G ay sinimulan sa pamamagitan ng charity auction gala na ginanap last week sa Manila Polo Club in partnership with JCI Ortigas and TOYM Foundation.
At nadala na rin sa ibang bansa ang Gabay Guro. Last June, nagkaroon ng tribute sa mga teacher sa Hongkong. Sa December, 2G will be conducting trainings in Sabah and a teacher’s tribute sa Kuala Lumpur.
Buong taon din ay nagsasagawa sila ng training sa mga guro at nagbibigay sila ng mga computer sa buong bansa. This month, gaganapin ang training sa Aklan and Capiz, Leyte. Sa November, sa Cavite naman sila.
For more information, please visit the Gabay Guro official website www.gabayguro.com , puwedeng mag-like sa facebook www.facebook.com/gabayguro or follow onTwitter andInstagram at @PLDTGabayGuro.
Zanjoe naloka raw sa love scene nina Bea at Paulo
Mainit na pinag-usapan at sinubaybayan ng primetime viewers ang love scene ng mga karakter nina Bea Alonzo at Paulo Avelino sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon na umere noong Biyernes (Setyembre 19).
Ayon sa datos mula sa Kantar Media, humataw ang serye nina Bea at Paulo ng national TV ratings ng 16.6%.
Bukod sa national TV ratings, humataw din ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon sa social networking sites tulad ng Twitter kung saan naging nationwide trending topic ang official hashtag na #SBPAKAlab at worldwide trending topic naman si Paulo dahil sa buhos ng tweets kaugnay ng kontrobersyal na episode.
At ‘yan daw ang dahilan kaya selos na selos si Zanjoe Marudo kay Paulo ngayon?
Samantala, ngayong Sabado (Setyembre 27) na lilipad ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon stars na sina Paulo at Maricar Reyes para sa espesyal na Kapamilya Caravan ng ABS-CBN Regional para sa Peñafrancia Festival sa Bicol. Ito ay gaganapin sa SM City Naga parking lot, sa ganap na alas-kwatro nang hapon.
- Latest