Tom nag-iipon para sa bahay ng mga magulang

Nagpapasalamat si Tom Rodriguez dahil sa suporta ng mga kaibigang sina Dennis Trillo at Carla Abellana na naging guest sa pilot episode ng Don’t Lose The Money.

Talagang ninerbyos ang aktor dahil first time nitong sumabak sa game show.

Naka-focus ito sa kanyang trabaho bilang bagong game show host at gusto niyang makaipon para ibili ng bahay ang kanyang pamilya. Nasa Amerika ang kanyang magulang at kapatid at gusto niyang dito na sila manirahan para makasama niya.

‘‘Uunahin ko muna ang pamilya ko at tsaka ako naman ang mag-iipon para sa pambili ng aking bahay,’’ aniya.

Kahit saan daw puwede:Dingdong walang gustong lugar para sa honeymoon nila ni Marian 

Tinanong si Dingdong Dantes kung saan sila magha-honeymoon ni Marian Rivera.

‘‘Kahit saan puwede kaming mag-honeymoon basta’t kasama ko si Marian,’’ anang aktor.

Mahalaga pa rin kay Dong at pinahahalagahan nito ang lumang tradisyon kaya namanhikan sila ng pamilya niya sa pamilya ni Marian.

Tinanong si Dong kung ano ang nagustuhan niya kay Marian. ‘‘She’s beautiful, sincere and funny,’’ sey ng aktor.

Liam magaling na pulis

Matapos ang preview ng A Walk Among The Tombstones na pinagbibidahan ni Liam Neeson ay umani ito ng palakpakan dahil sa ganda ng istorya at sabi nila ay highly suspenseful ang mga eksena.

Bukod sa aksyon, dama ng mga nanood ang galit kapag pinapatay ng isang grupo ang kalalakihang tulak ng droga.

Nailarawan ni Neeson ang karakter ng dating pulis ng NYPD na siyang pumipigil para mapuksa ang mga killer.

Palabas na ngayon sa inyong paboritong sinehan ang A Walk Among The Tombstones na ini-release ng Solar Pictures.

Show comments