Kim Atienza itinanggi na nakakamatay ang cellphone ‘pag itinabi sa pagtulog
SEEN: Frustrated si Lovi Poe dahil hindi na siya nakasali kahapon sa special show ng The Naked Truth na hindi natuloy noong Biyernes. May shooting kahapon si Lovi para sa Flight 666, isa sa tatlong episode ng Shake, Rattle & Roll 15 na official entry sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) ng Regal Films.
SCENE: Ang request sa GMA 7 sa re-run ng finale episode ng Ang Dalawang Mrs. Real dahil marami ang hindi nakapanood noong Biyernes, bunga ng masungit na panahon at baha.
SEEN: Hindi smooth ang live telecast ng TV Patrol noong Biyernes sa mga lugar na binaha na sinadya nina Korina Sanchez at Noli De Castro dahil sa technical problems. Hindi naintindihan ng televiewers ang napuputol na pag-uulat nina Korina at Noli.
SCENE: Ang advisory ng FHM Philippines tungkol sa postponement kahapon ng autograph signing ni Diana Zubiri sa SMX dahil may conflict ito sa The Naked Truth fashion show ng Bench: FHM Sept. Cover Girl Diana Zubiri Autograph signing has been postponed. We’ll provide the new schedule as soon as we have it.
SEEN: Ang denial ni Kim Atienza na siya ang source ng kumakalat na text hoax na hindi dapat gamitin o itabi sa pagtulog ang mga cellphone mula 10:30 p.m. hanggang 3:30 a.m. dahil sa nakamamatay na “cosmic rays at nuclear atomic.”
SCENE: Si Nora Aunor ang special guest bukas at sa Martes ni Ryzza Mae Dizon sa The Ryzza Mae Show.
ipino-promote ni Nora ang Dementia, ang horror movie na may play date na September 24.
SEEN: Ang intrigang panggagaya ni Heart Evangelista kay Marian Rivera. Nauna na mag-post kahapon si Marian sa Instagram ng picture, suot ang kanyang Dolce & Gabbana dress at five hours later, nag-post din si Heart ng litrato na suot din ang kaparehong hitsura ng damit.
SCENE: Ang matapang at well-researched report ni Ted Failon sa Failon Ngayon ng ABS-CBN tungkol sa lihim na yaman o mansion ni PNP Chief Alan Purisima sa Nueva Ecija.
- Latest