Korean blockbuster film na Miracle in Cell No. 7 na tinagalog ng GMA, ipalalabas na!
MANILA, Philippines - Ngayong Linggo (Setyembre 21), isang natatanging dramatic movie viewing ang hatid ng GMA Network dahil ipapalabas na ang hit Korean film na Miracle in Cell No. 7 na itinatampok ang boses ng mga Kapuso stars na sina Gabby Eigenmann at Mona Louise Rey sa Kapuso Movie Festival.
Yayain ang buong pamilya sa panonood ng phenomenal movie na ito na siguradong bibihag sa puso at damdamin ng mga Pilipino dahil sa nakakaantig na kuwento nito at makatotohanang pagganap ng mga cast.
Tunghayan kung paano mas mapapalapit ang lead character na si Lee Yong-gu (Ryu Seung-ryong) sa mga Pilipino sa pamamagitan ng madamdaming boses ng Kapuso talented actor na si Gabby Eigenmann. Si Yong-gu ay isang lalaking may problema sa pag-iisip na nakulong sa pinakamahigpit na selda na nasa maximum security prison at nahatulan ng kamatayan pagkatapos maakusahan ng murder.
Samantala, bibigyang-buhay ng Kapuso child star na si Mona Louise Rey ang karakter ng anak ni Yong-gu na si Ye-sung (Kal So-won) gamit ang kanyang charming na boses. Lalong magiging matindi at madrama ang kuwento sa muling pagkikita ng mag-amang Yong-gu at Ye-sung sa tulong ng mga kriminal sa selda na kasama ni Yong-gu.
Huwag palalampasin ang phenomenal Korean drama film na Miracle in Cell No. 7 sa Kapuso Movie Festival ngayong Linggo, 11:15 a.m bago ang Sunday All Stars sa GMA 7.
- Latest