^

PSN Showbiz

Sinubukan kung lulusot sa presidential sister manliligaw ni Kris mahilig sa TV host?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

O ayan ha, binasted na ni Kris Aquino ang lalaki na nanliligaw sa kanya at naging dahilan para magmistulang flower shop ang bahay niya.

Hindi binanggit ni Kris ang pangalan ng mhin na sinasabi na si Moonie Lim, ang ex-husband ni Toni Rose Gayda.

Ang sey ni Kris, hindi pa sila nagkakakilala ng mhin dahil hanggang text lamang ang komunikasyon nila.

Hindi pa rin sila nagkakausap sa telepono at sinabihan na rin niya ang mhin na ihinto na ang pagpapadala sa kanya ng mga bulaklak.

Pinatunayan ni Kris na puwede nang bastedin ang manliligaw na hindi niya personal na kilala at hindi pa nakakausap.

Pa-mystery effect ang panunuyo ng mhin kay Kris at dahil private person siya, hindi na natin malalaman ang mga dahilan ng pagkahumaling niya sa nanay nina Joshua at Bimby. Isipin na lang natin na may soft spot sa puso ng mhin ang mga TV host bilang TV host din ang kanyang ex-wife.

ML ginawang flower shop ang bahay ni Kris

Nakita ang litrato ng mga naglalakihan na bulaklak na ipinadala ni ML kay Kris.

Ang gaganda ng mga bulaklak na imported pa mula sa ibang bansa. Kahit sinong babae ang makatanggap ng mga ganoong klase ng bulaklak, tiyak na maiintriga at mapapansin ang pa-effect ng mystery suitor.

 ‘Yun nga lang, nabulilyaso ang plano ng mystery suitor dahil nalaman ng mga reporter ang pagpapadala niya kay Kris ng mga bulaklak. Kung hindi inilagay ni Kris sa social media ang pictures ng magagandang bulaklak, hindi malalaman ng taumbayan ang mga nangyayari sa kanyang personal life.

Metro Manila pinalubog ng Mario

Kanselado ang auditions kahapon ng Starstruck VI sa GMA 7 dahil sa habagat na bitbit ng Typhoon Mario.

Nakakaloka ang habagat na dahilan ng mabilis na paglubog ng Metro Manila sa baha.

Bandang alas-dos ng madaling-araw kahapon nang magising ako dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Ikinaloka ko ang pag-ulan dahil bumalik sa alaala ko ang mga nangyari noong September 2009.

Fresh na fresh sa isip ko ang baha na sinugod ko para makapag-report ako sa Startalk. Ang ending, nasira ang sasakyan ko na lumubog sa malalim na baha sa Kamias Road.

Nakaaalis lang ako sa Kamias dahil may sumundo sa akin na sasakyan na nagdala sa akin sa studio ng GMA 7.

 ‘Yon ang first time na nag-report ako sa Startalk na walang makeup at literal na mukhang basang sisiw dahil nabasa ako ng ulan.

Nag-brown out pa noon dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan. Si Cristine Reyes ang na­ging poster girl ng Typhoon Ondoy dahil na-stranded siya at ang kanyang pamilya sa bahay nila sa Provident Village sa Marikina City.

Si Richard Gutierrez ang sumaklolo kay Cristine. Sumugod siya sa Provident Village, kesehodang delikado ang sitwasyon at madilim na madilim ang lugar.

Ipinagdasal ko kahapon na huwag nang maulit ang mga nangyari noong 2009 dahil sobra-sobra na ang pagdurusa ng mga Pilipino.

Bumabaha at umuulan sa Maynila habang natataranta ang mga kababayan natin sa Albay dahil sa nagbabadya na pagsabog ng Mayon Volcano.

Mabuti na lang, hands on si Albay Governor Joey Salceda sa pagtulong sa kanyang mga kababayan. Si Papa Joey na malakas ang sense of humor dahil naapektuhan daw ng nalalapit na pagsabog ng bulkan ang panonood niya ng Ang Dalawang Mrs. Real ng GMA 7.

 

ALBAY GOVERNOR

CRISTINE REYES

DAHIL

JOEY SALCEDA

KRIS

METRO MANILA

PROVIDENT VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with