Mr. Philippines 2014 at mga sikat na male supermodel pasok na sa Juan Direction
MANILA, Philippines - Tiyak na ikatutuwa ng buong sambayanan ang pina-bonggang weeknight primetime programming ng TV5 kasabay ng nalalapit na simula ng pinakabago nitong programa. Sa darating kasi na Lunes, Setyembre 22, 7:30 p.m. bida sa Kapatid Network ang 2-week primetime special na pinamagatang Juan Direction Islanders.
Gaganapin ang kakaibang programa sa kalagitnaan ng mala-paraisong isla ng Masbate, kung saan may mga bagong mukhang (at katawan!) dapat abangan sa katauhan ng ilan sa mga pinakapinag-uusapan at pinaka-machong half-Pinoy personalities. Sila ay walang iba kung hindi sina Mr. World-Philippines 2014 at ang top male supermodel na si John Spainhour, ang American Ninja Warrior Finalist na si Shane Daniels, at ang Cosmopolitan Centerfold hunk na si Wil Dasovich. Sa pagdating ng tatlong hunks na ito sa programa, ay siguradong paiinitin pa nila lalo ang bawat gabi ng mga viewers!
Ngunit, kasabay nito ay tiyak ding pag-uusapan at pagtatakahan ng mga manonood kung sina John, Shane, at Wil na nga ba ang magiging bagong Juan Direction’ ng Kapatid Network! Papalitan na ba nila ang mga naunang half-Pinoy hunks na bumuo sa popular na grupo? O sila ba ay makiki-gulo lang bilang mga guest ng programa?!
Bukod sa Juan Direction, mag-uumpisa na rin sa Lunes, 7:00 p.m. ang Wattpad Presents. Binili lang naman ng Kapatid Network ang Wattpad kaya sila na ang mag-eere ng mga kuwentong sikat na sikat sa mga bagets ngayon.
One book per week ang mapapanood starting September 22 ayon kay Madam Wilma Galvante, entertainment head ng TV5.
Dumating pa ng bansa ang isa sa mga may-ari ng Wattpad application para makita ng personal ang launching ng unang four episodes.
Surely, malaki ang pagkakabili nila sa rights ng Wattpad na millions ang readers ng bawat nobelang nagpa-publish na sinasabing pinakamalaking library ng e-books.
Isa pang ikinatutuwa ni Madam Wilma ay magkakaroon na ng chance ang mga alaga nila sa Artista Academy dahil swak sila sa mga episode dahil nga kilig-kiligan ang mga kuwentong eere sa Wattpad Presents.
Dahil nabili na nila ang rights, hindi na ito puwedeng gamitin ng iba.
Si Mr. Vic del Rosario ang unang nakadiskubre sa mga nobela sa Wattpad at ginawang pelikula – nauna ang Ang Diary ng Panget na nagpasikat din kina James Reid and Nadine Lustre. Nasundan ‘yun ng Talk Back and You’re Dead na isa ring box office na bida rin ang JaDine. Sa Wattpad din galing ang She’s Dating the Gangster nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.
Kaya naman agad-agad binili ng TV5, hindi na sila nagpa-tumpik-tumpik pa.
Charice at Mommy Racquel balik na sa dati ang relasyon
Makisaya at saksihan ang muling pagsasama ng International music sensation na si Charice at ng kanyang Mommy Racquel sa ASAP 19 kasama ang mga paboritong Kapamilya stars ngayong Linggo (Setyembre 21).
Garantisadong all-out ang party sa pangunguna ng siksik sa sorpresang birthday bash ni Iñigo Pascual na masasaksihan sa Sunday musical show na susundan naman ng makapigil-hiningang dance performance ng 2014 UAAP Cheerdance Champion, National University na magpapaliyab ng centerstage.
Abangan ang makapanindig balahibong musical reunion ni Charice at Bamboo tampok ang music hits ni John Legend at humanda rin sa nagsisiklab na musical performance mula sa multimedia star Toni Gonzaga kasama sina Angeline Quinto at Morisette, Klarisse at tunghayan ang world class concert treat nila Martin Nieverra, Vina Morales, Yeng Constantino and Piolo Pascual sa pag-awit ng musical hits ni Christopher Cross.
Humanda namang mamangha sa sweetness at charm of ASAP It Girls’ Kathryn Bernardo, Janella Salvador, Liza Soberano and Julia Montes sa isang special production number; at muling balikan ang romantic ‘80’s vibe ng highest-grossing musical Grease kasama sina Kathniel, Kimxi, Janella, Marlo, Julia, Liza, Jerome Ponce, Joshua Garcia, Fourth Pagotan, Xyriel Manabat, Bugoy Drilon, Juan Karlos, Andrea Brillantes at Zaijian Jaranilla. Tuloy-tuloy din ang selebrasyon sa engrandeng album launch ni Nadine Lustre.
Samantala, kaabang-abang din sa Linggo ang banayad na 90’s OPM favorite hits sa ASAP 19 Throwback Sessions tampok si Nelson Del Castillo kasama sina ZsaZsa Padilla, Juris Fernandez, Angeline at Erik Santos; at tunghayan ang musical spectacle ni Jed Madela kasama ang The Voice Kids Lyca Gairanod at Darlene Vibares; na susundan ng kaabang-abang na Filipino music performance ng Himig Handog 2014 artists Abra, Ebe Dancel, Janella, at Daniel Padilla.
Pahabol naman ang matinding balahaw ang hatid ng Supahdance throwback nina Kim Chiu, Enchong Dee, John Prats, Iya Villania, Nikki Gil kasama sina Sunshine Cruz at Ina Raymundo.
Paolo nakalabas na ng hospital, alak at diet nakaapekto sa kanyang liver
Nakalabas na pala ng hospital si Paolo Ballesteros matapos siyang ma-mild stroke.
Ang bulungan, sobrang diet daw ang naging rason kaya ito inatake. Anyway heto ang message niya after na lumabas ng hospital : “Hello dabarkads! im home na at ok na ako. before i post anything else, eto ang update. normal na ang bp ko hehe. Yung heart, may slight enlargement. 5.1. normal is 4-5. so .1 lng naman daw. liver enzymes elevated ng slight den kc sa alak at sa diet dietan. lahat ok na. di pa kelangan maintenance hehe. after 6 mos. kelangan icheck ulet yung heart kung lumiet na. 1 week lang pahinga kitakits ulit mga dabarkads sa barangay!:) 1 week na pahinga maramerameng makeup transformation to! hehehe. thanks sa mga dabarkads na nagppray at mga well wishers. salamat!”
Bagyong Mario pinERwisyo ang mga international model at si Noel Cabangon
Pinerwisyo ng bagyong Mario ang buong bansa kahapon. Kanselado ang mga showbiz activities kasama na ang sexy fashion show ng Bench na dumating pa raw sa bansa ang maraming international model para rumampa. Naloka ang mga beking naghihintay sa nasabing show.
Maging ang concert ni Noel Cabangon sa Teatrino ay hindi na rin itinuloy.
Grabe naman kasi talaga ang baha. Walang kapaguran ang ulan. Tumigil lang ang ulan noong pagabi na kahapon.
- Latest