Desisyon ng korte kina Cedric at Deniece nakakagulantang

I’m sure hindi lamang si Vhong Navarro kundi maging ang taumbayan ang  nagulat sa pagkakabigay ng korte ng pagkakataon para makapag-piyansa ang grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo. Non-bailable kasi ang kaso nila. Abangan na lang natin ang mga susunod na kaganapan dahil hindi ito ta­tang­gapin basta-basta lamang ng kampo ng ko­medyante.

Mark hindi pinahalagahan ng Cosmo

Kung maganda naman ang pangangatawan ni Mark Herras ay bakit hindi siya nakasama sa mga rarampa sa Cosmo Bachelor Bash? Dahil ba sa karamihan sa kinuha para magmo­delo ay mahigit ang kabataan sa kanya? Pero mas may pangalan na­man siya. Hindi ba siya nagawan ng injustice ng mga nasa likod ng nasabing event?

Dahil sa nilalait na gown, Kristel umingay ang pangalan

Bakit ba biglang bigla ay naging viral ang napakaseksing kasuotan ni Kristel Moreno sa katatapos na Star Magic Ball, eh hindi lamang naman siya ang kauna-unahang artista na nagsuot ng see-through. Medyo mataba siya, pero  hindi naman niya deserved ang lait-laitin nang ganun. Kung nagpapansin siya, hindi ganung klaseng atensyon ang inaasahan niya. Bakit naman kayo ganyan?!

Show comments