Tina Paner hindi na makilala, mukha na talagang yaya!

Pinanood ko ang pilot telecast ng Strawberry Lane noong Lunes at naiyak-iyak ako sa eksena ni Sheryl Cruz at ng bagets na gumanap na kanyang anak.

Ang husay-husay ni Sheryl sa eksena na umiiyak siya at hindi matanggap na namatay ang anak niya na nalunod sa isang beach resort.

Kung mahusay si Sheryl, magaling din ang bata na nag-portray bilang anak niya. Hindi talaga kumikilos ang bagets sa death scene nito.

Nagustuhan ko ang pilot episode ng Strawberry Lane na panonoorin ko dahil sa special appearances nina Raymond Bagatsing at Lani Mercado.

Special guest din nga pala sa Strawberry Lane si Tina Paner bilang yaya ng anak nina Sunshine Dizon at TJ Trinidad.

Hindi ko agad nakilala si Tina dahil mukhang yaya talaga siya. Kung hindi pa sinabi ng maid of honor ko, na si Tina ang gumaganap na yaya, hindi ko siya makikilala.

Kamukhang-kamukha na si Tina ng kanyang biological mother na kapatid ni Daisy Romualdez. Si Daisy ang adoptive mother at kinalakihan ni Tina bilang ina. Big news noon sa showbiz ang pag-alis ni Tina sa poder ni Daisy at ang pagbabalik niya sa piling ng kanyang biological mother.

Tom kulang pa sa tulog

Halos magkasabay kahapon ang presscon ng Don’t Lose The Money ng GMA-7 at ng Dementia, ang horror movie ni Nora Aunor na showing sa mga sinehan sa September 24.

Ang Don’t Lose The Money ang bagong game show ng Kapuso Network at si Tom Rodriguez ang host.

Mukhang kulang sa tulog si Tom nang magkita kami kahapon sa presscon dahil humihikab pa siya.

Parang hindi pa nakakabawi ng tulog si Tom na napuyat sa taping ng My Destiny.

Walang experience si Tom sa TV hosting pero bagay na bagay sa kanya ang maging host ng Don’t Lose The Money. Literal na bumabaha ang datung sa game show ni Tom dahil limpak-limpak na salapi ang mapapanalunan ng lucky contestants.

Mother Lily hoping na maaayos ang gulo nina Lovi at Erik

Umapir si Mother Lily Monteverde sa presscon ng Dementia bilang suporta sa pelikula ni Nora Aunor at ng brand new movie director na si Perci Intalan.

Tinanong si Mother tungkol sa sagot ng kanyang anak na si Dondon Monteverde na nag-react sa official statement ng Professional Artist Managers, Inc. (PAMI) sa isyu na kinasasangkutan ni Lovi Poe at ng direktor na si Erik Matti.

Nagpahayag ng panig si Dondon bilang co-producer siya ng Kubot: The Aswang Chronicles 2 at dahil kaibigan niya si Erik na direktor ng controversial project.

Nag-sorry muna si Mother kay Nora bago siya nagsalita in defense of Dondon. Hoping si Mother na maaayos ang problema ng magkabilang-panig at hinihiling niya na ma-justify muna ang isyu dahil hindi raw basta-basta magsasalita nang hindi totoo ang kanyang anak.

Pang-mainstream daw ang budget, Perci umaming ginastusan ang Dementia ni Nora

Confident si Perci na magugustuhan ng moviegoers ang kuwento ng Dementia.

Ayaw nang sabihin ni Perci ang production cost ng Dementia pero nagbigay siya ng clue na pang-mainstream movie ang budget.

Hindi madali na mag-shooting sa Batanes kaya talagang gumastos si Perci para sa ikagaganda ng kanyang unang pelikula bilang direktor.

Hindi biro na dalhin sa Batanes ang mga artista at crew ng Dementia para maging makatotohanan ang mga eksena.

Show comments