MANILA, Philippines- Isinugod sa isang ospital sa Marikina City si Eat Bulaga! host Paolo Ballesteros matapos ma-mild stroke Lunes ng gabi.
??Isinugod sa Marikina Valley Medical Center ang “Eat Bulaga!” host matapos makaranas mild stroke dahil sa hypertension.
Ibinahagi ni Paolo ang nangyari sa kanyang Instagram account, kung saan naglagay siya ng photo collage ng kanyang sarili at ng kamay niyang may nakakabit na dextrose.
Sinabi ng tv host-actor sa caption, “ Staying in tonight. Marikina Valley Medical Center. hyper tension daw. transient schemic attack. mild stroke pero hindi naman nagprogress. salamat naman. doing some lab tests tomorrow. 200 ang bp antandaaa ko na!! hehe. feeling better now. Thanks @doryisbabe @eatbulagaselfie @joelrelleve @yayin_120 3@chiquitita03 @zhukini #dietpagow #bangkokpillspahihistopmuna #vicemayorcadiz”