Chris Tiu magkukuwento ng mga karanasan sa buhay may asawa

MANILA, Philippines - Ngayong Martes (Setyembre 16) sa Basta Eve­ry Day Happy, makakasama natin ang basketball star/TV host/businessman na si Chris Tiu.

Tuturuan niya si Donita Rose ng isang malakas na diskarte sa basketball court para maka-points sa kanyang mister. Isang masayang one-on-one “Tiu-torial” ang magaganap sa practice ng PBA team na Rain or Shine.  

Makiki-foodtrip din si Chris kasama sina Donita at Gladys Reyes sa kanyang apat na resto-businesses sa Greenhills katulad ng milk tea favorite na Happy Lemon, Paris-based pastry shop na Eric Kayser, Japanese Ramen at Katsu resto na Tampopo, at ang business ng misis niyang si Clarisse. Magkukuwento rin ang usually private na si Chris ng kanyang mga karanasan bilang isang mister matapos ang isang taon na masaya ngunit challenging nilang pagsasama.  

Ngayong Martes ninyo mapapanood ang lahat nang iyan sa Basta Every Day Happy.

Magkaibigan lang o nagkakaibigan na ito ang topic  ngayong Miyerkules (Setyembre 17), pag-uusapan kung posible nga bang manatili lamang na matalik na magkaibigan ang isang lalaki at isang babae.

Ano nga ba ang pagkakaiba ng standards mo sa paghahanap ng isang best friend sa mga bagay na hinahanap mo sa isang lover? At paano ang diskarte kung ma-realize mong nahuhulog na pala ang loob mo sa iyong kaibigan? Makikigulo pa sa isang masayang diskusyon ang prangkang comedienne na si Giselle Sanchez.

Tutok na sa isang live na chikahan na ihahatid sa inyo ng Basta Every Day Happy ngayong Miyerkules, 11:00 a.m. sa GMA 7.

 Mayroon ba kayong kaibigan na imbes na suportahan ka e, nilalaglag ka pa? 

Mga kaibigang plastik, nega, at nandyan lamang kapag kailangan ka, paano nga ba maiiwasan ang mga toxic friends o nega-amiga? Iyan ang bida at masayang chikahan kasama ang reyna ng nega at pambasag-trip na si Antoinetta (Betong) ngayong Huwebes (Setyembre 18) sa programang pangpa-goodvibes.

At take note, hindi lamang mga toxic friends ang nagpapahirap sa atin. Ang mga toxins sa ating katawan ay kailangan ding ilabas o i-flush out para makaiwas tayo sa mga iba’t ibang sakit.  Kaya naman isang mura at effective detox juice ang ituturo sa atin ni Chef Boy Logro.

Para-paraan para mas gumaan at humaba ang buhay sa isang live na talakayan sa Huwebes sa Basta…

Mas palaayos pa ba ang boyfriend o mister mo kaysa sa iyo? Sinasakyan mo ba ang trip niya o kinokontra? Makisali na sa isang masayang usapan with guests real life couple Paolo Paraiso and Lou Sison.

Makakakuha ng mga diskarte tips mula kay Lou kung paano nito pinakikisamahan ang kanyang self-confessed banidosong boyfriend na si Paolo, isa na rito ang intense and exciting na couple workout na kayang-kayang gawin ng mga mag-sweethearts sa bahay – nakakapag-exercise na, nakakapag-bonding – sa Biyernes.

 

 

Show comments