Aktor na pinintasan ang pinuntahang eskuwelahan, muntik makuyog

Muntik mapaaway ang isang aktor nang dumalo sa event sa isang private and pricey school dahil sa negative comment sa school. May mga kasamang alumni ng school ang aktor nang dumalo sa event at ipinakilala siya sa school officials.

Maganda ang kuwentuhan ng grupo ng aktor at school officials, pero noong patapos na ang kuwentuhan, may careless comment ang aktor na narinig ng school officials at nagalit sa kanya. Tinanong ang aktor kung bakit ganu’n ang sinabi niya at kundi naa­wat at dahil sa mga kasama, baka nakuyog ang aktor.

Nalamang sa nasabi ring school nag-aaral ang mga kapatid na babae ng aktor, may hindi yata magandang nangyari sa mga kapatid, kaya nakapag-comment ng hindi maganda ang aktor.

Lesson learned sa aktor ang nangyari, na kung may sasabihing hindi maganda, ‘wag ipaparinig sa pinatutungkulan. Mas maganda pa kung hindi siya aapak sa school na may isyu siya para hindi siya ma-tempt mag-comment ng hindi maganda.

Rayver nagulat nang yumakap sa likuran niya si Kylie

Horror ang Dilim, ang Regal Entertainment movie na showing sa October 22, pero masaya sa pictorial dahil tinutukso ang mga bidang sina Rayver Cruz at Kylie Padilla. Kahit sinabi ng aktor na kaya sila nali-link dahil may pelikula sila, tila may basehan ang mga sitsit lalo’t nakikitang kinikilig si Kylie, unless, part na ng promo ang ipinapakita niyang kilig.

In fairness, kung magiging sila, they will make a lovely couple dahil parehong matangkad at fair complexion at good looking. Bagay silang magbida sa rom-com movie o kaya’y love story, pero si Rayver parang ayaw madaliing ma-in love kay Kylie dahil ayaw nito ng love on the rebound.

Anyway, ayaw ikuwento nina Rayver at Kylie ang story ng Dilim, pero naikuwento na ito ni director Joey Reyes. Tungkol daw ito sa nagmumulto sa isang dorm sa University Belt, kaya sa Recto ang shooting nila.

Rap hindi malimutan ang pagpapa-stem cell

Bago mag-pilot ang Hiram na Alaala sa September 22, sana malinaw kung ano talaga ang pangalan ng karakter ni Rap Fernandez sa serye. Sabi nito sa amin, Brando ang name niya, pero sa press kit, Bruno ang nakasulat na name niya.

Ang hindi nabago ay ang role niyang anak ng rebelde na tutulong kina Dennis Trillo at Rocco Nacino na makatakas mula sa pagkakakulong. Magiging kaibigan niya ang dalawang sundalo, kaya marami siyang eksenang kasama sila. Naniniwala si Rap na hindi agad mawawala ang karakter niya sa serye.

Happy daw ang inang si Lorna Tolentino sa kanila ng kapatid na si Renz da­hil pareho silang may te­le­serye. Biniro namin si Rap na si Renz na kasama sa cast ng Yagit lang ang prinomote ni LT sa Instagram (IG) nito, pero natawa lang ito.

Samantala, hindi makalimutan ni Rap ang expe­rience sa first stem cell treatment niya. Nag-react ang katawan niya at 13 days siya may sakit, seven days hindi makalakad, pero nirerekomenda pa rin niya ang stem cell treatment sa may mga Alzheimer at Multiple Sclerosis.

Rita may bagong libro na naman

Book launching ng bago at third book ni Rita Avila sa Sept. 21, sa SMX MOA, 3-5 p.m. kasabay nito ang book signing ng aktres sa mga bibili ng libro niyang The Invisible Wings at ang Tagalog version nitong Ang Hindi Nakikita ng Pakpak.

Nauna nang sinulat ni Rita ang mga librong 8 Ways to Comfort with Grace na sinulat niya nang pumanaw ang anak nila ni Direk FM “Erik” Reyes na si Jesu. Ang second book niya na Si Erik Tutpik at si Ana Taba ay experience nilang mag-asawa noong mga bata pa sila at binu-bully.

 

Show comments