Regine hinahabol ng ulan ‘pag nagso-show sa probinsiya, Dingdong binabalik-balikan ang pinanggalingan ng ama!

MANILA, Philippines - Sa sampung Kapuso regional shows ni Regine Velasquez-Alcasid ngayong taon, pito rito ang sinalubong ng ulan—kabilang na ang idinaos sa Cagayan de Oro (CdeO) noong August 22.

 Nag-uumapaw na entertainment ang inihatid ng Asia’s Songbird sa kanyang fans na hindi natinag ng ulan mapanood lamang siya sa Kapuso Fans’ Day niya na idinaos sa Centrio Mall kasabay ng pakikibahagi ng GMA Network sa pagdiriwang ng taunang Kagay-an Festival.

“They’ve always been warm and welcoming,” ani Regine patungkol sa mga Kagay-anon.

Hindi ito ang unang pagkakataon ng multi-awar­ded singer na mag-perform doon pero matagal-tagal na rin ang huli niyang pagbisita sa CdeO. Taong 2008 ang last concert niya rito kasama ang ilan pang OPM artists. “I remember I had a very good time performing for everybody. I haven’t been back after that,” dagdag niya.

At tila matagal nang hinintay ng mga Kagay-anon ang muli niyang pagbabalik dahil humigit-kumulang 5,000 katao ang pumuno sa venue ng kanyang fans’ day.

Samantala, hindi rin napigilan ng malakas na bu­hos ng ulan ang festive spirits ng mga Kagay-a­non na nakibahagi at nanood naman ng Bet ng Ba­yan provincial finals na ka-back-to-back ang isang Kapuso Fiesta sa Las Ramblas ng SM City CdeO noong August 28.

Sinamahan ng Bet ng Bayan host na si Alden Richards, ng singer na si Jonalyn Viray, at ng aktres na si Bettina Carlos ang dumagsang hopefuls na nagsipagpasikat sa isang live showdown. Hindi lang nag-­judge kundi nagpakita rin ng kanyang dance moves sa nasabing event ang Hip Hop World Champion at Philippine All Stars choreographer na si Kenjohns Serrano.

Sinundan ito ng Kapuso Fiesta na talaga namang na-enjoy ng kanilang audience. Tampok kasi rito ang Primetime King na si Dingdong Dantes kasama si Alden at ang songstress na si Maricris Garcia.

Nakibahagi rin si Dingdong, na isang strong education advocate, sa outreach program na ginawa sa Consolacion Elementary School bago ang naturang event. Dito ay namigay siya ng school bags sa mga estudyante sa pakikipagtulungan ng GMA Regional TV at YesPinoy Foundation.

Pagkatapos nito ay dinaluhan din niya ang national program launching ng DepEd na  Abot-Alam. Target  nito ang ‘zero out-of-school youth’ (OSY) sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga trabaho sa mga kabataan at sa pagkumbinsi sa kanilang mag-aral muli via  Alternative Learning System.

Bilang commissioner-at-large ng National Youth Commission na siya namang kumikilala sa kaha­laga­han ng karapatang bumoto, nagtungo rin si Ding­dong sa one-day registration of youth voters ng COMELEC sa SM City CdeO.

“It always excites me to be here. For one, my dad graduated high school here at Xavier’s Academy. Kaya nga growing up, Cagayan de Oro for me is an important landmark in our family. I’ve been coming here always, and every time bumabalik ako, there’s always a fresh feeling and that is something I would never forget,” pahayag ni Dingdong.

 

Show comments