Humingi ng one-week vacation sa trabaho ang soon-to-be Mrs. Dingdong Dantes na si Marian Rivera. Gusto niya kasing matutukan nang husto ang kanyang much-awaited grand wedding sa nobyo niyang si Dingdong sa Immaculate Concepcion Church in Cubao, Quezon City on December 30, 2014.
Sa kabila ng pagkakaroon nina Dingdong at Marian ng wedding coordinator, very hands-on sila sa lahat ng preparasyon.
Kumpleto na rin ang listahan ng makakasama sa kanilang wedding entourage.
Since may tatlong buwan na lamang bago ang kanilang kasal, kailangang tapusin ni Marian ang shooting ng My Big Bossing’s Adventures with Vic Sotto na official entry sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF). Kailangan din niyang makapag-advance ng taping for her weekly dance show na Marian na muling na-extend sa kanyang ikalawang season.
Hindi pa sigurado si Marian kung mai-extend pa ang kanyang dance show after December 6 na siyang pagtatapos ng second season nito.
Hindi pa man, marami na ang nagsasabi na magiging maganda ang kumbinasyon nina Dingdong at Marian sa kanilang magiging mga anak. Guwapo at mestiso si Dingdong at napakaganda naman ni Marian na 50% ay Kastila dahil sa kanyang amang Spanish.
Unknown to many, si Marian ay isinilang at bininyagan sa Madrid, Spain.
Kaya kayang tapatan ni Dennis si Boyet sa pagiging Drama King?!
Hindi kaya ma-pressure si Dennis Trillo na siya ang bagong tinaguriang Drama King ng Kapuso Network during the launch ng kanyang pinakabagong drama series na Hiram na Alaala na magsisimulang umere sa darating na September 22 at siyang ookupa sa time slot na iiwanan ng Ang Dalawang Mrs. Real nina Dingdong Dantes, Maricel Soriano at Lovi Poe?
Ang titulong Drama King ay matagal nang tangan ni Christopher de Leon na hindi lamang “hari” sa larangan ng pag-arte sa pelikula kundi maging sa telebisyon. Katunayan, si Boyet (Christopher) ay hindi nawawalan ng proyekto sa telebisyon playing meaty roles.
Hindi rin matatawaran ang numerous acting awards na tinanggap ni Boyet bilang pagkilala sa kahusayan ng kanyang pag-arte magmula nang siya’y i-launch ng yumaong si Lino Brocka sa pelikulang award-winning movie na Tinimbang Ka Ngunit Kulang which immediately earned for him a Best Actor Award in 1974.