Mike Enriquez at Mel Tiangco parang binoycott ang 24 Oras

SEEN :  Postponed ang show ngayon nina Paulo Avelino at Enchong Dee sa Naga City dahil sa masamang panahon na dulot ni Typhoon Luis.

SCENE : Balik-Pilipinas si Ogie Alcasid mula sa kanyang brief annual vacation sa Australia dahil dinalaw niya ang dalawang anak nila ng ex-wife na si Michelle Van Eimeren.

SEEN : Pinalakpakan ng audience ang daring act ng magician na si David Blaine sa show niya sa Smart Araneta Coliseum noong Biyernes.

Hindi huminga si Blaine ng sampung minuto at 29-seconds sa kanyang underwater stunt.

SCENE :  “Totoong may scalawag, pero sino po ba ang nakahuli sa mga nang-hulidap sa EDSA? Mga pulis din po,” ang depensa ni P-Noy na hindi sineryoso ng mga Pilipino dahil hindi mahuhuli ang mga hulidaper na pulis kung hindi nakunan ng litrato at na-upload sa social media ng isang civilian ang krimen.

SEEN : Naninibago ang 24 Oras viewers dahil magkasabay na hindi napapanood sa primetime news program ng GMA 7 na bihirang mangyari ang mga news anchor na sina Mike Enriquez at Mel Tiangco. Nagbabakasyon lamang ang dalawa at walang katotohanan ang mga kumakalat na paninira laban kay Mike.

SCENE : Burado na ang pangalan ng mga artista na may mga bituin sa Walk of Fame sa Eastwood Libis. Mahirap namang makita ang mga bituin nina Paul Walker at Justin Bieber dahil nakalagay ito sa tagong lugar ng Eastwood City  Walk Mall.

 

Show comments