Sa Monday na ang last taping day ng Ang Dalawang Mrs. Real at ayaw i-preempt ni Maricel Soriano kung ano ang ending ng hit teleserye ng GMA 7. Hindi lang nagbabago ang sinasabi nito sa karakter niyang si Millet na napakatanga at unconditional love ang ibinibigy kay Anthony (Dingdong Dantes).
Kung sa kanya nangyari ang nangyari kay Millet, matagal na raw siyang may nasampal at may nasabunutan. Naiinis siya sa katangahan ni Millet, kaya sobrang paghahanda ang ginagawa niya tuwing eksena na niya ang kinukunan.
Nailabas daw niya ang inis sa karakter niya nang sampalin paulit-ulit si Anthony, masaya siya dahil ‘yun ang totoong magiging reaction ng babaing niloko ng asawa.
Sabi pala ni Maricel hindi niya kayang magbakasyon ng matagal dahil hindi niya makakasama ang Maltese pet dog niyang si Bela. Sa kilikili niya ito natutulog, mahal na mahal niya, nagsa-salon at nagpapalit pa ng nail polish.
Lauren Young ayaw nang kausapin si Elmo
Walang kokontra sa paniniwala ni Lauren Young na isa siya sa mga bida ng Hiram na Alaala dahil top billing siya, kasama sa billboard at lahat ng presscon at malaki ang role. Hindi rin siya kontrabida sa sundalo serye na eere na sa September 22.
Happy siya sa role niyang si Bethany na hindi kaiinisan, kundi kaaawaan ng viewers. Maganda rin daw pambawi ang Hiram na Alaala sa matagal na wala siyang soap at ang pinakamaganda nga, lead siya rito.
Maaliwalas ang buhay ni Lauren ngayon dahil may bagong show at tila magkaka-love life pa. Ayaw niyang maudlot ang meron sila ng special guy sa buhay niya ngayon kaya walang binabanggit lalo na sa social media.
Tapos na ang sa kanila ni Elmo Magalona, hindi na niya ito kinakausap, pero sila ni Janine Gutierrez ay nagbabatian. “I like it that way,” sagot kung bakit ayaw na niyang kausapin ang ex-boyfriend.
Kris Bernal nagsinungaling na naman?!
Magandang balikan si Carl Guevarra para tanungin ang reaction niya na itinanggi ni Kris Bernal ang sinabi ng aktor na two years tumagal ang relasyon nila bago sila nag-break a few weeks ago.
Inamin ni Carl sa presscon ng Trenderas (pilot mamaya, 9:00 p.m. sa TV5) na two years niyang GF si Kris, pero nag-break thru’ text dahil paulit-ulit ang tampuhan at wala nang pinupuntahan ang relasyon.
Sa presscon ng Hiram na Alaala, itinanggi lahat ni Kris ang sinabi ni Carl, na never silang nag-on at never nag-break. Kaya lang, bakit mas marami ang naniniwala kay Carl at mas marami sa press ang kampi sa kanya?
Ibig sabihin, si Carl lang ang apektado sa break-up nila at si Kris ay hindi. Baka sa muling pagdi-deny ni Kris, in-unfollow na siya ng binata sa Instagram (IG) dahil ilang beses na ba siyang itinanggi ni Kris?