Hindi natin masisisi si Robin Padilla sa kanyang dialogue na iniisip niya na mag-migrate sa ibang bansa dahil sa mga nangyayari sa bayan natin.
Nakakarindi naman talaga ang kaliwa’t kanan na negative news tungkol sa mga nangyayari sa ating kapaligiran. Nakakadagdag sa disappointment na mga pulis at mga opisyal na may mataas na katungkulan sa pamahalaan ang mga sangkot sa mga eskandalo at krimen.
Sa totoo lang, hindi nag-iisa si Robin dahil hindi lamang ang mga artista ang nag-iisip na manirahan sa ibang bansa. Pati ang mga ordinaryong Pilipino, nakararamdam na rin ng kawalan ng pag-asa kaya nag-iisip-isip na sila na mag-goodbye Philippines. Ayaw na nila na maniwala na “It’s more fun in the Philippines.”
Mga military ginawang consultant ng GMA
Sa Nueva Ecija ang taping kahapon ng cast ng Hiram na Alaala dahil doon kinunan ang mga fight scene nina Rocco Nacino at Dennis Trillo.
Hindi sina Rocco at Dennis ang nag-away dahil magkaibigan ang role nila sa upcoming teleserye ng Kapuso Network. Makikipaglaban sila sa mga rebelde at isang bayan sa Nueva Ecija ang perfect location na napili ng production crew.
Kakaiba ang Hiram na Alaala dahil hindi ito isang ordinary love story.
Bibigyan ng pagpapahalaga sa Hiram na Alaala ang mga sundalong Pilipino na nagbubuwis ng buhay, alang-alang sa peace and order sa ating bayan.
In fact, invited sa presscon ng Hiram na Alaala noong Huwebes ang ilan sa mga opisyal ng military. Sila ang mga consultant ng GMA 7 para maging makatotohanan ang mga eksena nina Dennis at Rocco na dumayo pa sa Baguio City dahil dito naman kinunan ang pagtatapos nila sa Philippine Military Academy.
Sina Lauren Young at Kris Bernal ang lead actresses ng Hiram na Alaala. Si Kris ang love interest ni Rocco pero nagkaroon siya ng involvement sa karakter ni Dennis dahil sa isang hindi inaasahan na sitwasyon.
Ang unexpected situation ang twist ng unique story ng Hiram na Alaala. Memories ang hiniram ni Dennis mula kay Rocco as in walang palitan ng mukha na nangyari. Tutukan n’yo na lang ang Hiram na Alaala para maintindihan ninyo ang sinasabi ko.
Sa September 22 ang pilot telecast ng Hiram na Alaala.
Disney characters makikipag-tsikahan sa mga manonood
Christmas in September ang mangyayari ngayon, September 13, at bukas sa Mall of Asia Arena dahil sa Disney Live! Three Classic Fairy Tales na hatid ng Limitless Ventures ni Miles Roces at ng kanyang mga business partner.
Tatlong beses (11 a.m. 3 p.m., at 7 p.m.) ang schedule of performances ngayon at bukas ng mga Disney character na nagpapasaya sa mga bagets at matatanda.
Sinisiguro ni Papa Miles at ng Limitless Ventures people na maliligayahan ang lahat ng mga manonood ng Disney Live! dahil personal nila na makakahalubilo sina Mickey Mouse, Snow White and the Seven Dwarfs, Cinderella, Beauty and the Beast at ang ibang mga sikat na Disney characters.
Hindi na kailangan na pumunta pa kayo sa Hong Kong Disneyland dahil ang mga Disney character ang personal na nagsadya rito sa ating bansa.
Para sa mga gustong humabol at mapanood ang Disney Live!, mag-inquire kayo sa telephone number 470-2222 at sa www.smtickets.com.