Jake gagastos ng dolyares para ‘matutong’ umarte
MANILA, Philippines - Tuloy na tuloy na ang pag-aaral ni Jake Cuenca sa sikat na Lee Strasberg Theatre and Film Institute, isang kilalang acting school sa New York kung saan doon din nag-aral ang mga famous celebrities in Hollywood tulad nina Angelina Jolie, Adam Sandler , Scarlett Johansson, Claire Danes, Uma Thurman Barbra Streisand, Dustin Hoffman, at ang mga Hollywood greats na sina Marilyn Monroe, James Dean, Bette Midler at maraming-marami pang iba.
Nag-apply si Jake at nakapasa siya. Nagpadala siya ng porfolio at nagkaroon ng online interview via Skype. Feeling ni Jake malaking factor na sila lang
ng batang si Barbara Miguel ang Pinoy artists na nominated sa 4th Queens World Film Festival na ginanap sa New York kamakailan. Nominated na best actor si Jake para sa pelikulang Nuwebe kung saan siya gumanap na isang tatay.
Method acting ang pag-aaralan niya. “Mahal na mahal ko ang craft ko. At gusto kong mag-evolve as an actor,” sabi ni Jake kahapon sa isang small presscon na bigay sa kanya ng Star Magic. “Priority ko talagang mag-aral,” dagdag ng aktor na hanggang ngayon ay pinupuri pa rin ang acting kahit wala na siya sa Ikaw Lamang. Pinalitan ang character niya ni Christopher de Leon.
Magre-rent siya ng apartment na malapit lang sa school niya. “Walking distance lang. Parang pagbaba mo, school na.”
Kasama niya ang kapatid niya pagpunta doon at tutulungan siyang mag-set up. Pero once na mag-start na ang kanyang schooling, siya na lang mag-isa.
At ang tuition sa isang buwang pag-aaral sa Lee Strasberg Theatre and Film Institute, $1,700 kaya kering-keri ni Jake. Hindi pa aabot sa P100,000.
Nauna na siyang nag-under go ng acting workshop kay Ivana Chubbuck kasama ang maraming Kapamilya actors. Sino si Chubbuck? Sikat siyang acting coach and author and has trained Academy Awards winning actors tulad nina Halle Berry and Charlize Theron.
Ayon kay Jake marami siyang natutuhan sa nasabing workshop and inspired him para e-enhance ang kanyang acting skill “to offer something new” na itutuloy nga niya sa New York.
Aalis siya before the end of the month, at November na siya babalik ng bansa. “Ang objective ko lang naman ay matuto at bumalik and share kung anuman ang natutuhan ko,” sabi niya.
Pero habang nasa New York, wala sa plano niya ang ma-audition sa mga shows doon.
Aside from acting workshop, plano rin niyang manood ng Broadway plays sa NY.
Anyway, nakatakdang mag-renew ng contract si Jake sa ABS-CBN for another two years pero wala siyang naka-schedule na gagawing serye.
Hindi naman niya makakasama sa New York ang girlfriend niyang si Channel Tomas na nagkataon naman na magbabakasyon daw kasama ang pamilya sa Korea na sakto sa pag-alis niya ng bansa.
- Latest