Bakit kaya ayaw mamatay-matay ang kuwento tungkol sa isang hunk actor na diumano’y nagbebenta ng kanyang katawan sa may kataasang halaga? At kakaiba ang istorya tungkol sa pakikipagtagpo niya sa mga beking parukyano niya.
Kalat na ang kuwento na kailangang mauna sa kanya ang beki sa kung saan man sila magkikita. Pagpasok niya sa pribadong kuwarto ay kailangan munang magpiring ang beki para hindi siya harap-harapang makita.
Pero puwede raw namang salat-salatin ng beki ang kanyang mukha at katawan, nagsasalita rin siya, kaboses na kaboses niya ang male personality na sinasabing nagbebenta ng katawan.
Mahirap paniwalaan, pero ganu’n daw talaga ang alam na atake ng hunk actor, naka-blind fold ang beking makakasama niyang umakyat sa langit ng kaligayahan sa loob nang ilang oras ayon sa kanilang pinagkasunduan.
Kuwento ng aming source, “Meron na kasing mga nagpapatunay tungkol du’n. Nakatsuktsakan na nila si ____(pangalan ng hunk actor), siyang-siya talaga ‘yun, kaya nga lang, e, naka-blind fold sila habang may nangyayari sa kanila!”
Hindi pa rin ‘yun pinaniniwalaan ng mga nakakarinig sa kuwento, malay nga ba naman nila kung ang lalaking ‘yun ay galing lang pala sa isang hosto bar kung saan maraming kamukhang lalaking personalidad ang mga nagbebenta ng katawan, may papayag ba namang parukyano na habang kasiping nila sa kama ang hunk actor ay kinakapa-kapa lang nila ang mukha at pinakikinggan ang boses ng aktor?
Pero kalat na kalat ang ganu’ng kuwento tungkol sa hunk actor. Para siyang naglalakad nang walang ulo kapag dumadaan siya sa harapan ng mga beki. Kung tawagin siya ng mga ito ay Boy Kapa.
Biritan ng tatlong ‘tindera’ na nagte-trending, bukas na
Naging panauhin namin sa radyo ang tatlong bumibida sa bagong seryeng Trenderas ng TV5 na mapapanood na bukas ng alas-nuwebe nang gabi sa Happy Network.
Nagulat kami kay Isabelle de Leon, dalagang-dalaga na siya, parang kailan lang nu’ng gumanap siyang si Duday sa sitcom ni Vic Sotto.
At siya rin pala ang batang aktres na palaging pinapasan-pasan ni Jiro Manio sa hindi malilimutang pelikulang Magnifico, siya ‘yung batang epileptic na ang galing-galing umarte, napakabilis talagang lumipad ng panahon.
Una naming narinig na kumanta si Lara Maigue, isang singer-composer, sa ginanap na telethon ng TV5 nu’ng kasagsagan ng kalamidad sa Leyte. Mula sa unang linya ng kanyang pagkanta hanggang sa matapos ay hindi na namin binitiwan ang panonood sa kanya.
Mula siya sa isang pamilyang nagpakadalubhasa sa musika, meron silang music school, nanghehele ang boses ng magandang si Lara Maigue.
Si Katrina Velarde naman na tinaguriang Suklay Diva ay naging finalist sa Talentadong Pinoy, isa siya sa grupong New Born Divas, kasama ang karelasyon ni Charice Pempengco na si Alyssa Quijano.
Sila ang mga tinderang nagte-trending, kaya Trenderas ang titulo ng kanilang serye, may kani-kanyang kuwento sila sa bagong programa ng TV5 na siguradong magbibigay ng inspirasyon sa mga kabataang nangangarap sumikat bilang singer.
Kasama rin nila sa Trenderas sina Tina Paner, Ara Mina, Dingdong Avanzado, Kitkat, Edward Mendez, at ang anak-anakan naming si Jhayvot Galang na napakabilis lumaki kaya “dalaga” na ito ngayon.
May special participation ang Superstar na si Nora Aunor sa Trenderas, hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-move on sina Isabelle, Lara, at Katrina nang una nilang makaharap ang Superstar, para pa rin silang hindi makapaniwala na nakakuwentuhan na nila ito.
Paglaanan natin ng panahon ang Trenderas bukas, alas nuwebe ng gabi, sa TV5.