Mali ang press release na 15-years na sa telebisyon ang Maynila, ang Saturday morning drama anthology sa GMA 7 ni House Representative Lito Atienza.
Year 1998 nang magsimula ang Maynila at mayor pa noon ng City of Manila si Papa Lito. Mula sa pagiging alkalde ng Maynila, naglingkod siya bilang DENR Secretary hanggang mahalal siya na Buhay Party List Representative sa House of Congress.
Marami na ang nangyari sa political career ni Papa Lito pero never na tinalikuran nito ang pagiging host ng Maynila, ang show na nag-iiwan ng magandang aral sa televiewers.
Sinariwa kahapon ni Papa Lito sa trade launch at 16th anniversary presscon ng Maynila ang pagsisimula ng kanyang programa sa Kapuso Network.
Agree ako sa sinabi ni Papa Lito at ng Maynila director na si Phil Noble na naging launch pad ng mga baguhang artista ang kanilang television show.
Mga never heard pa ang mga name ng mga newcomer na umapir noon sa Maynila hanggang magkaroon sila ng pangalan at sumikat. Maraming mga sikat na artista ngayon ang nagsabi na naging bahagi ng kanilang acting career ang Maynila.
May changes for the better na mangyayari sa Maynila at mangyayari ito bukas, sa pagsisimula ng brand new season ng favorite TV show ni Papa Lito.
Toni may handang sagot tuwing ikukumpara kay Kris
Mas lalong pumayat si Toni Gonzaga nang dumalo ito kahapon sa presscon ng Celestine, ang anniversary concert niya na itatanghal sa Mall of Asia Arena sa October 3.
Excited na si Toni sa kanyang nalalapit na concert dahil alam nating lahat na ang pagkanta ang first love niya. Bonus na lang na naging artista at TV host si Toni.
May ready answer si Toni sa isyu na siya na ang papalit sa trono ni Kris Aquino.
Ang sey ni Toni, never na magiging kapalit siya ng kanyang Ate Kris dahil bukod sa nag-iisa ito, hindi bayani ang mga magulang niya. Nakikita lamang sa bayan nila sa Taytay ang nanay at tatay niya, hindi sa P500.
Unfair naman na ikumpara si Toni kay Kris dahil may kanya-kanyang style ang kanilang mga hosting skill. Mahusay na singer at comedienne si Toni compared kay Kris na hindi marunong kumanta at sumayaw.
Mga madre avid readers ng PSN!
Mama Salve, malaki ang pasasalamat ni Rey Sta. Maria sa PSN (Pilipino Star NGAYON) dahil natunton ng mga madre ang kanyang MSquare Myotherapy & Rehab Clinic sa 7A Granada St., New Manila, Valencia, Quezon City.
Si Rey ang clinic director at myotherapist ng MSquare Rehab na paboritong puntahan ng mga showbiz personality na may mga problema sa lower back pain, pinched nerve, sciatica, and leg pain, neck pain, stress, athletic injuries, etc. Marunong na rin siya ng Trigger Point Dry Needling na natutunan niya nang mag-aral siya sa Australia.
Ikinuwento ni Rey na may isang grupo ng madre na nagpunta sa clinic niya para magpagamot. Sinabi raw ng mga madre na nabasa nila sa PSN ang tungkol sa MSquare Myotherapy & Rehab Clinic.
Dala-dala raw ng mga madre ang kopya ng PSN na itinago nila dahil bawal sa loob ng kumbento ang mga diyaryo.
Parang nakatikim ng himala ang mga sister dahil nakasakay sila sa wheel chair nang dumating sa clinic ni Rey. Nang matapos ang treatment, naglalakad na sila at itinutulak na lamang ang mga bitbit na wheelchair.
Ang MSquare rin ang pinuntahan ng tatay ni Aljur Abrenica na namamaga ang kamay. Marami nang napuntahan na clinic ang tatay ni Aljur pero hindi siya gumaling. Parang nagdahilan lamang ang mga kamay ng tatay ni Aljur nang magpagamot siya sa MSquare na madalas na puntahan nina Papa Joey de Leon, Iza Calzado, at ng mga Eat Bulaga host.
Hindi ko isusulat si Rey at ang kanyang clinic kung hindi siya magaling, pati ang mga therapist niya. Sa mga gustong i-try ang rehab clinic ni Rey, by appointment ang pagtanggap niya ng pasyente dahil sa rami ng mga nagpapagamot. Siguraduhin ninyo na tumawag sa telephone numbers 470-8476 at 546-3311 para sa inyong appointment.
Sa tuwing naiisip ko ang kuwento ni Rey tungkol sa mga madre, napapa-smile ako dahil sa kanilang lihim na pagbabasa ng PSN sa loob ng kumbento.