San Miguel Beer Oktoberfest magpapaulan ng beer at tutugtog ang santambak na sikat na banda

MANILA, Philippines - Siguradong matutuwa ang mga parokyano ng San Miguel Beer sa inaabangang taunang San Miguel Oktoberfest dahil sa kauna-unahang pagkakataon, magkakaroon ng malaking pagsasama ang mga kilalang rock bands, club DJs, university bands at mainstream na banda sa isang entablado. At upang lalong pasayahin ang selebrasyon, sasamahan pa ng SMB ng malaking beer shower, inflatable display, at virtual sports game booths ang naturang event, kung saan tampok din ang siyam na world-class na beer ng San Miguel.

Ang labing-dalawang oras na non-stop na tugtugan at katuwaan ay magaganap sa Greenfield District Central Park sa Mandaluyong sa ika-12 ng Setyembre. Magkakaroon din ng Oktoberfest music festival sa One Orange Mango Avenue sa Cebu at sa Laguna Central Greenfield City sa Santa Rosa City, Laguna sa ika-19 ng Setyembre.

Ang San Miguel Oktoberfest, na kinilala bilang isang opisyal na tourism event ng Pilipinas, ay pa­ngungunahan ng mga Red Horse Beer brand evangelists na sina Ely Buendia at Pepe Smith at mga sikat na bandang Slapshock, Greyhoundz at Razorback. Tutugtog din ang 6Cyclemind at Rivermaya.

Ang mga top DJ ng bansa na sina Mars Miranda, Ace Ramos, Deuce Manila ay kabilang din sa mga magtatanghal, kasama ang mga nangungunang banda sa mga kilalang university, na pinangungunahan ng 2013 Muziklaban finals champion na Manila Under Fire. Nandiyan rin ang mga nanalo sa Party All-Night DJs ng San Mig Light at ang mga bandang Yolanda Moon, Techy Romantics, Taken By Cars, Flying Ipis, at Banda ni Kleggy. Ang Replay Band na kilala sa mga “retro” hits ay tutugtog din.

Para makarating ang kasiyahan sa iba’t ibang panig ng bansa, magkakaroon din ng Oktoberfest-themed parties sa mga piling barangay sa iba’t ibang lalawigan.

Itatampok din sa Oktoberfest ang mga atraksyon kagaya ng Basketball, Archery, Pool, billiards, Frisbeer, Giant Darts, Giant Connect 4, at Giant Jenga booths para sa karagdagang saya.

Ang ticket ay mabibili lamang sa halagang P300 (kasama ang limang cup ng assorted San Miguel beers) sa Manila, habang P50 (may kasamang isang cup ng San Miguel beer) naman sa Santa Rosa, Laguna, at Cebu City.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lang ang San Miguel Oktoberfest Facebook page sa https://www.facebook.com/SanMiguelOktoberfest

Show comments