Lovi wala nang ‘problema’ kay Sen. Grace

Sa una, picture ng kapatid na si Sen. Grace Poe, hawak ang birthday gift ni Lovi Poe na boquet of flowers ang makikita sa post ni Lovi sa Instagram (IG). Pati ang thank you message ni Sen. Grace na “Dear Lovi, Thank you so much sis for your birthday greeting and the beautiful flowers:) love, Ate.”

Finally, nagkita ang magkapatid sa birthday ng twins ni Sen. Chiz Escudero na sina Chesi at Quino last Sunday. Nagpakuha ng picture ang da­lawa na magkasama na ikinatuwa ng mga nakakita.

Anyway, nakatulong ang hindi pagsagot ni Lovi sa isyu sa kanya ni direk Erik Matti dahil unti-unting tumahimik ito.

Tutok si Lovi sa natitirang taping ng Ang Dalawang Mrs. Real  at sa shooting ng Flight 666 episode nila ni Matteo Guidicelli ng Shake, Rattle & Roll XV. May iba pa itong naka-line up na pelikula at balitang may bagong offer sa kanya si director Brillante Mendoza. Pelikula ito tungkol sa mga biktima ng super bagyong Yolanda.

Ang dinig namin, Yolanda rin ang magiging title ng movie kung saan, makakasama muli ni Lovi si Nora Aunor. Balik-tambalan nila itong dalawa after ng Thy Womb. Sa Tacloban daw mismo ang shoo­ting ng pelikula.

Also, tiniyak din ang pagrampa ni Lovi sa Bench Fashion Show na The Naked Truth.

Paolo nagdurusa sa sex scandal

May meeting kahapon si Paolo Bediones kay Mr. Noel Lorenzana, President and CEO ng TV5. Malalaman natin kung ano ang napag-usapan ng dalawa sa nasabing meeting dahil ipaaalam din ito ng TV5.

Wala pang dapat ikalungkot ang fans ni Paolo dahil as of today, talent pa rin siya ng TV5 at sa newscast lang siya nag-resign. Napapanood pa rin siya bilang host ng public affairs show na Demolisyon.

Sabi ng isang taong malapit kay Paolo, kaya nitong malampasan ang mga isyung hinaharap sa ngayon.

Noong September 3, nag-post si Paolo sa Instagram (IG) ng “Some of the hardest and most painful decisions in life actually free us from living life in fear.”

Jake si Bea na ang gustong makasama hanggang sa pagtanda

Pinakinggan na rin ng GMA 7 ang matagal ng request ng fans nina Jake Vargas at Bea Binene na muli silang pagtambalin sa teleserye dahil kabilang sila sa mga bida ng primetime teleserye na Strawberry Lane.

Pangako ng JaBea, babawi sila sa kanilang fans na naka-miss mapanood silang magkasama. At least, hindi na lang sa pictures sa IG sila makikita dahil simula September 15 and for 16 weeks, five nights silang mapapanood.

Isa pala sa pinaka-sweet showbiz couple sina Jake at Bea dahil every month, nagsi-celebrate sila ng monthsary kahit years na ang kanilang relasyon. Very open din si Jake sa feelings niya sa GF. Sa IG, nabasa namin ang post nitong “Mahal ko ‘tong babaing ‘to” at “I wanna grow old with you.”

Kahit tumanggi ang aktres sa pelikula

Direk Wenn at Juday, friends pa rin naudlot man sa MLT

“Lagare King” si direk Wenn Deramas dahil sa September 17 pa lang ang showing ng pelikula niyang Maria Leonora Teresa, tinatapos naman niya ang shooting ng Moron 5 2 at siguradong may mga kasunod pa siyang projects.

Sa presscon ng Maria Leonora Teresa, parang nabanggit na hindi man natuloy sa movie si Judy Ann Santos, malapit na silang magkasama. Hindi nag-elaborate si direk Wenn, pero feeling ng press teleserye ang tinutukoy ng director.

Ayon pa kay direk Wenn na hindi naging isyu sa kanila ni Judy Ann ang pagba-backout nito sa Maria Leonora Teresa at bilang tunay na magkaibigan, nagkakaintindihan sila.

 

Show comments