Mukha raw magician: Suot ni Jodi sa Star Magic ball inulan ng pintas

Seen: Mukhang magician si Jodi Sta. Maria sa kanyang all-white outfit sa 8th Star Magic Ball na ginanap noong Sabado sa Makati Shangri-La Hotel. 

Scene: Ang rare public appearance ni Diether Ocampo at ng kanyang girlfriend na si Michelle Barrera sa Star Magic Ball. 

Seen: Umani ng mga batikos at panglalait ang former dancer turned sexy star na si Kristel Moreno dahil sa see-thru gown niya sa Star Magic Ball na nagpakita sa kanyang mga itinatago na bilbil. Hindi big deal ang hindi pagsusuot ni Kristel ng bra at panty. 

Scene: Ibang-iba ang hitsura ni Alden Richards sa audition video niya sa Starstruck V noong 2009. Hindi nakapasa si Alden sa Starstruck auditions pero milya-milya ang layo ng popularidad niya sa Starstruck winner na si Steven Silva. 

Seen: Ang paghingi ni Billy Crawford ng paumanhin sa eskandalo na ginawa niya sa police station ng Bonifacio Global City at ang pag-amin na bunga ‘yon ng sobrang kalasingan kaya nawalan ng kredibilidad ang pakiusap ng kanyang girlfriend na si Coleen Garcia na huwag paniwalaan ang mga lumalabas na balita. 

Scene: Ang mga haka-haka na nawala sa sarili si Billy Crawford dahil nalasing siya nang todo sa Star Magic Ball.

Seen: Inaabangan ngayon ang live telecast ng It’s Showtime dahil hinihintay ng publiko ang live appearance at paghingi ni Billy Crawford ng paumanhin. 

Scene: Biktima ng social media bashing si Billy Crawford dahil sa kanyang pilit na pagbibigay ng justification sa panggugulo niya sa Station 7 ng BGC at ang denial na may mga policewoman siya na nasaktan. Paano matatandaan ni Billy ang nangyari kung lasing na lasing siya?

Show comments