Masayang-masaya ngayon ang award-winning actor na si Phillip Salvador dahil pinawalang-sala siya ng Supreme Court sa estafa case na isinampa sa kanya ng dating karelasyon na si Cristina Decena kaugnay sa $100,000 dollars na gagamitin sana nila sa isang negosyo pero ginastos umano ng aktor.
Kinatigan ng kataas-taasang hukuman ang naging desisyon ng Court of Appeals na mapawalang-sala ang actor.
Sid panay pa rin ang hagulgol sa pagkawala ng ama
Wala ang actor na si Sid Lucero (Timothy) sa tabi ng kanyang amang si Mark Gil nang ito’y bawian ng buhay. Nasa Singapore siya sa taping ng My Destiny. Pero bago umalis ay nagpaalam siya sa ama at ‘yon na rin ang huling pagkikita nilang mag-ama.
Humagulhol nang gusto si Sid pagkadating ng chapel at niyakap nito ang urn na kinalalagyan ng abo ng kanyang ama.
Kasama ni Sid dumating sa chapel ang kanyang rumored girlfriend na si Alessandra de Rossi na kasama rin ng aktor sa Singapore.