Lovi nag-back out sa Aswang ni Dingdong kahit may kontrata, direk Erik Matti hindi nakapagpigil minura-mura at tinawag na starlet

PIK: Live na masisilip mamaya sa Sunday All Stars ang pagsisimula ng audition ng Starstruck 6.

Kasabay nito ang launch na tatampukan ng mga Starstruck alumni mula batch 1 hanggang 5.

May farewell number din ang buong cast ng Niño na pangungunahan ni Miguel Tanfelix.

PAK: Kung nag-walkout si Cristine Reyes sa premiere night ng The Gifted dahil sa tanong na buntis, dedma naman si Ara Mina sa isyung ito.

Tinext namin at sinubukang tawagan, hindi ito sumasagot at nanatiling tahimik kahit sa kanyang pagbubuntis.

Mukhang iniiwasan na lang ng dating sexy actress na ma-stress kaya forever dedma na siya sa mga text at tawag namin tungkol sa isyu nilang magkapatid.

Pero ang latest ay nakikipag-usap na raw si Ara sa mga suppliers nito na mukhang inaayos na ang kasal nila ni Mayor Patrick Meneses.

BOOM: Ayaw na ring patulan ng kampo ni Lovi Poe ang matinding post ni direk Erik Matti laban sa Kapuso actress dahil sa pagtanggi na gawin ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nila ni Dingdong Dantes na Kubot: The Aswang Chronicles.

Inihalintulad pa niya sa nangongotong na pulis si Lovi dahil sa pinresyuhan daw sila ng napakataas na tila presyong ayaw.

Bahagi ng post niya sa kanyang Facebook account: “Huhuthutan lang kami nito na parang nangongotong na pulis!”

Sa bandang huli ng kanyang pahayag ay tinawag din niya itong starlet.

“This post is long overdue. As part producer of the film, I don’t want any negative publicity to put the film in a bad light. I only decided today to post this because it has been 3 weeks now and we have been looking for a replacement for Lovi and we couldn’t find anyone. I just realized, Lovi screwed us up! And even with a contract binding us to her, showbusiness doesn’t really operate that way. As much as possible, whatever the conflict, avoid any corporate and legal confrontation.

 I am pissed that a starlet like Lovi Poe would have the gall to go against the contract she signed just because she does not want to do a two-day role. We will, of course, still find a replacement for her after all the burden she put on us and the production.

Just want to vent out my frustration at how these managers and starlets think so highly of themselves. Gumawa lang ng Muslim Musliman na indie kala mo serious actor na.“

As of presstime ay wala pang sagot si Lovi. “No comment” lamang ang sagot ng kampo ng aktres na inilabas sa PEP.

Show comments