James hanggang T-shirt pa lang ang kayang hubarin

Patuloy pa ring pinipilahan sa mga sinehan ngayon ang pelikulang Talk Back and You’re Dead na pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre. Talaga namang tinangkilik ng mga tagahanga ng dalawang bida ang nasabing proyekto.

Ayon kay James ay lalo raw nilang pinaghahandaan ni Nadine ang susunod na pelikula na kanilang gagawin. “We had workshops together. We completed Master’s Acting Workshops. I personally asked for character workshops. Workshops designed to get you into character before we shoot. It really helps,” kwento ni James. Kapansin-pansin ang pagpapakita ng aktor ng katawan sa nasabing pelikula kaya marami ang nagtatanong ngayon kung tuloy-tuloy na ba ang pagiging daring ni James. “I’m giving the people what they want. I had fun. I’m comfortable with my body, I think so far I’m showing a lot of skin but it’s up to Boss Vic (Del Rosario). Personally I don’t think so, I do have limits. I could take off my shirt, for me that’s my limit for now, I’m only 21,” paliwanag ni James.

Samantala, maganda rin ang naging pagtanggap kay Joseph Marco ng mga manonood bilang ka-love triangle nina James at Nadine sa pelikula. Hindi raw magiging threat si Marco sa tambalang Ja-Dine para kay James. “Joseph has become a really good friend of mine. It’s only been less than a month and we’re already close. I’m not threatened or anything. We want to give fans what they want. So it’s okay with me,” pagbabahagi ng binata.

Kathryn may insecurities pa rin

Hinding-hindi raw makalilimutan ni Kathryn Bernardo ang naging karanasan sa South Africa nang mag-pictorial siya doon para sa Mega magazine kamakailan. Nakasama ng aktres sina Maja Salvador, Julia Barretto, at Erich Gonzales para sa September issue ng nasabing babasahin. Napili dito si Julia dahil maituturing na isa siya sa pinakasikat na aktres sa kanyang henerasyon. Nagkaroon na rin ng titulo bilang Teen Queen at Teen King naman ang katambal na si Daniel Padilla dahil sa kanilang mga napatunayan sa show business. “Hindi ko in-expect na ganito ang mararating namin. Kami ni DJ, forever magiging thankful sa tao kasi kung wala sila hindi kami aabot dito. Wala, madami kaming hindi magagawa kung wala sila,” nakangiting pahayag ni Kathryn.

Para sa aktres ay mahirap din ang pagiging Teen Queen ng showbiz. “Siguro akala nila ‘pag nag-aartista ka sobrang you have it all. Sobrang perfect na ng buhay mo. I am like a normal teenage girl. Kung paano ‘yung mga problema ko, problema din ng ibang teenager. May mga insecurities pa rin ako. ‘Pag nakilala mo ako, madali mo akong makakasundo kasi I can be your friend, pwede mo akong kapatid. So mabilis ako magtiwala once na magtiwala ako sa iyo,” pagtatapos ni Kathryn. -Reports from JAMES C. CANTOS       

                                                             

Show comments